^

PSN Palaro

3rd Mindanao Games sasambulat na

-
Mati, Davao Oriental - Ang pagalingan sa larangan ng palakasan ang mamamayani sa buong rehiyon sa pagbubukas ngayon ng 3rd Mindanao Games sa Mati Centennial Sports Complex dito.

Tinatayang humigit kumulang 4,000 atleta mula sa mahigit 41 Local Government Units ang maglalaban-laban sa 26 disiplina ng palarong ito, na siyang pinakamalaki sa kasaysayan ng rehiyon.

Bukod sa anim na rehiyon ng Mindanao, kalahok din ang delegasyon mula sa Ilocos Norte, sa pamu-muno ni dating Gintong Alay Project chief Michael Keon, bilang guest entry.

Walang iba kundi si Philippine Sports Commission Chairman Eric Buhain ang siyang mangunguna sa seremonya ngayong hapon kung saan sasamahan siya nina Mati Mayor Francisco Rabat, Davao Oriental Governor Ma. Elena Palma Gil at ng mga PSC commissioner na sina Ambrosio de Luna, William Ramirez, Michael Barredo at Leon Monte-mayor, na siya ring pangkalahatang direktor ng proyektong ito.

Bukod sa pagdiriwang ng ika-100 taon ng munisipalidad ng Mati, ang okasyong ito ay gagamitin din bilang pagpaparangal sa mga natatanging Filipinong atleta gaya nina Carlos Loyzaga at Ramon-cito Campos, na gaya ni Mayor Rabat ay Hall of Famer ng basketball, at ang tinaguriang Living Legend ng PBA na si Senador Robert Jaworski.

Ang iba pang atletang bibigyan ng parangal ay sina Mona Sulaiman, ang dating sprint queen ng Asya, ang swimmer na si Jairulla Ambali Jaitulla, na gaya ni Sulaiman tubo ring Mindanao, ang Asia’s fastest woman na si Lydia de Vega-Mercado, ang boksingerong si Arlo Chavez, at ang basketbolistang si Chito Loyzaga. (Ulat ni Ian Brion)

ARLO CHAVEZ

BUKOD

CARLOS LOYZAGA

CHITO LOYZAGA

DAVAO ORIENTAL

DAVAO ORIENTAL GOVERNOR MA

ELENA PALMA GIL

GINTONG ALAY PROJECT

HALL OF FAMER

IAN BRION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with