Nationals magpapagalingan sa PBT All Star
October 18, 2003 | 12:00am
Inaasahang magiging mahigpit ang labanan ngayong araw ng mga mahuhusay na badminton players ng bansa sa Valle Verde Country Club sa final day ng eliminations ng PBT All-Star Invitational.
Kailangang bumangon ng Ian Piencenaves Hawk Shuttlers sa kanilang dala-wang sunod na kabiguan upang maiwasan ang ma-agang pagkakasibak sa tournament sa kanilang pagsagupa sa Ducks Defen-ders na pangungunahan ni Bogs Amahit.
Kung sakaling manalo ang Hawks, magkakaroon ng three-way tie at ito ay hahatiin sa pamamagitan ng bilang ng mga laban, sets o points na naipanalo.
At dahil sa walang sinumang koponan na basta na lamang bibigay, inaasahang magtatagisan ng lakas sina Piencenaves at Amahit sa mens singles match sa alas-5 ng hapon.
Si Piencenaves ang siyang pinakamahusay na manlalaro ng bansa nang kanyang mapanatili ang mens singles title sa katatapos pa lamang na Philippine Open, habang umaasa naman si Amahit na maipaghiganti ang kanyang kabiguan sa semifinals sa mga kamay ni Piencenaves.
Sa iba pang laban, makakasagupa ng Eagle Smashers ang Feather Whackers para sa isang slot sa semis. Ang Eagles ay sasandal kay Lloyd Escoses.
Inaasahan rin na magi-ging mahigpitan rin ang sagupaan para sa womens team ng tournament na ito na sponsored ng Sportshouse, PLDT Vibe at Yonex.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am