^

PSN Palaro

7th win kinamada ng Barakos

-
Nanatiling buhay ang winning streak ng Red Bull matapos hatakin ang 73-70 panalo para sa ikapitong sunod na panalo kontra sa gigil na San Miguel Beer sa pagpapatuloy ng umiinit na eliminations ng PBA Samsung Reinforced Conference sa Cuneta Astrodome.

Gumawa ng malaking run ang Red Bull sa end game upang makaba-ngon at agawin ang liderato na kanilang dinepensahan sa huling maiinit na segundo ng labanan para sa ikawalong panalo sa loob ng 10-laro.

Dahil sa pagkatalong nalasap sa kamay ng Red Bull na nakakasiguro na sa quarterfinals ng Group B, wala pa ring katiyakan ang kapalaran ng Beermen sa quartefinals ng Group A matapos bumagsak sa 4-7 record.

Muling pinangunahan ni import Scott Burrell ang Barakos sa pagkamada ng 20-puntos at 10 rebounds na naging pabigat sa San Miguel na napu-tulan ng three-game winning streak.

Nag-ambag si Burrell ng dalawang basket sa 12-3 run na nag-ahon sa Barakos mula sa 60-64 deficit at kunin ang 71-66 pangunguna.

Umiskor si Johnson ng dalawang sunod na free throws upang maging tatlong puntos na lamang ang kanilang distansiya, 71-68. (CVOchoa)

vuukle comment

BARAKOS

BEERMEN

CUNETA ASTRODOME

GROUP A

GROUP B

RED BULL

SAMSUNG REINFORCED CONFERENCE

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL BEER

SCOTT BURRELL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with