Aric del Rosario nag-resign sa UST
October 17, 2003 | 12:00am
Wala na si Aric del Rosario sa UST Tigers. Nag-resign na siya bilang head coach ng Tigers pagkatapos din ng napakaraming taon ng paninilbihan sa UST. Ilang beses din siyang nag-champion para sa UST at maraming players na nasa PBA ngayon ang dumaan sa mga kamay ni Aric. Utang na loob nila kay Aric ang kung ano man ang narating nila sa basketball.
Walang masyadong nanonood sa Bantay Bata tournament.
Yung opening games nila sa Ateneo gym last Wednesday ay walang katao-tao.
Bukod sa sem break sa maraming schools, ang mga estudiyante talaga, kapag UAAP at NCAA lang sumusuporta sa kanilang mga eskuwelahan.
Para bang wala silang pakialam kahit sino pa ang mag-champion sa liga na yan.
Akala ng isang PBA player ay malalabanan niya ang takbo ng karma nung maka-akyat siya sa pro league.
Nung nasa college at PBL pa lang siya, todo sa pagtulong sa kanya ang isang basketball agent. As in talagang todong-tulong.
Nung magpapa-draft na siya sa PBA two years ago, kinalimutan niya ang naturang agent at nagpatulong pa sa iba.
Hindi raw nasaktan si agent, kuwento niya sa amin, dahil ang alam niya, di kakayanin ni player na makalagpas sa karma sa ginawa niya.
Mula noon, hindi pa siya nabibigyan ng break sa team na kumuha sa kanya at isa siyang certified na bangko sa team. At ngayong mata-tapos na ang two-year contract na pinirmahan niya, nakatitiyak kaming hindi na siya mare-renew dahil halos isuka na nga siya ng team niya. Sa kangkungan pupulutin ang player na ito kapag nagkataon.
Hay naku, ilang basketball players ang may sakit na ganyan?
Napakarami. Mahihirapan kang magbilang.
Paki lang muna: Nag-iimbita si Col. Tony Pacleb, president ng MIT Castle and Cardinal Alumni Association, affiliate ng National Asso-ciation of MIT Alumni, para sa kanilang 3rd Golf Tournament sa October 24, ganap na alas-sais ng umaga, sa Camp Aguinaldo Golf and Country Club sa Quezon City. Ang mga naimbita para sumali sa golf tournament na ito ay sina Gen. Narciso Abaya, Lt. Gen Gregorio Camiling, Ambassador to Taiwan Edgardo Espinosa, Dr. Reynaldo Vea (MIT President), Engr. Heracillo Palad (NAMA President), at Engr. Ernesto Villanueva (FOMI President). Maaring matawagan si Col. Pacleb sa 0920-5176318.
Personal: Happy birthday to Marlon Cumabig ng CEU.
Yung opening games nila sa Ateneo gym last Wednesday ay walang katao-tao.
Bukod sa sem break sa maraming schools, ang mga estudiyante talaga, kapag UAAP at NCAA lang sumusuporta sa kanilang mga eskuwelahan.
Para bang wala silang pakialam kahit sino pa ang mag-champion sa liga na yan.
Nung nasa college at PBL pa lang siya, todo sa pagtulong sa kanya ang isang basketball agent. As in talagang todong-tulong.
Nung magpapa-draft na siya sa PBA two years ago, kinalimutan niya ang naturang agent at nagpatulong pa sa iba.
Hindi raw nasaktan si agent, kuwento niya sa amin, dahil ang alam niya, di kakayanin ni player na makalagpas sa karma sa ginawa niya.
Mula noon, hindi pa siya nabibigyan ng break sa team na kumuha sa kanya at isa siyang certified na bangko sa team. At ngayong mata-tapos na ang two-year contract na pinirmahan niya, nakatitiyak kaming hindi na siya mare-renew dahil halos isuka na nga siya ng team niya. Sa kangkungan pupulutin ang player na ito kapag nagkataon.
Hay naku, ilang basketball players ang may sakit na ganyan?
Napakarami. Mahihirapan kang magbilang.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended