Arcilla patuloy ang pananalasa
October 17, 2003 | 12:00am
BACOLOD CITY--Patuloy ang pananalasa ng top seed na si Johnny Arcilla nang kanyang dispatsahin si Antonio Sagansay, 6-3, 6-1 kahapon upang makarating sa quarterfinals ng Luis Hilado Memorial Cup Tennis Championships sa Negros Occidental Tennis Association (NOTA) courts dito.
Susunod na makakaharap ni Arcilla ang fifth seed na si Alexander Lazaro na nanaig naman sa kalabang si Cheimel Mantua, 3-6, 7-6 (3), 5-0 (ret.).
Sa iba pang laban, hiniya ng second seed na si Joseph Victorino si Chat Conta, 6-0, 6-1 upang itakda ang kanilang paghaharap ni Michael Quinones na umiskor ng 6-4, 6-1 panalo kontra Rocky Paglalu-nan.
Ginulantang naman ng third seed na si Adelo Abadia si Michael Mora IIl, 6-2, 6-1 upang isulong ang kanyang kampanya sa susunod na round kontra sa sixth-ranked na si Jess Lapore na nanaig naman sa kalabang si Rey Alipala, 6-1, 6-2.
Tinalo ng fourth seed na si Rolando Ruel Jr., ang kalabang si Pop Sabandon, 6-1, 6-1 upang isaayos ang kanilang pagtitipan ng seventh seed na si Elbert Anasta na namayani kay Gilbert Estrada, 1-6, 6-4, 6-4.
Sa womens singles, ginapi ng top-ranked na si Anna Patricia Santos si Aileen Rogan, 6-1, 6-4 habang nagtagumpay naman ang fourth seed na si Czarina Mae Arevalo sa katunggaling si Lenlen Rodriguez, 6-0, 6-0.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended