^

PSN Palaro

30 tracksters aprubado na para sa SEA Games

-
Muling nadagdagan ang bilang ng delegasyon na ipadadala ng Pilipinas para sa nalalapit na 22nd Southeast Asian Games sa Vietnam sa Disyembre.

Ito’y makaraang aprobahan kahapon ng Tech-nical Commission ang 30 atletang isasabak ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) sa nasabing biennial event.

Kung hindi isasama ang limang nasa ‘probationary status’, aabot na sa 451 ang bilang ng mga atletang ipapadala sa Vietnam SEA Games mula sa pag-apruba ng Technical Commission na pinamumunuan ni Steve Hontiveros ng bowling.

"The Technical Commission have approved the 35 athletes submitted by PATAFA," ani Technical Commission member Nestor Ilagan ng rowing. "But according to PATAFA secretary-general Benja-min Silva-Netto, ‘yung lima dadaan pa sa time trial."

Ang kampanya ng athletics ay babanderahan nina Sydney Olym-pians Eduard Buenavista at Lerma Bulauitan-Gabito kung saan uma-asa si PATAFA chief Go Teng Kok na muling makapag-uuwi ng medal-ya ang kanyang tropa.

Bukod sa dalawang nabanggit, kakampanya rin sina Sean Guevarra, John Lozada, Roy Vence, Maritella Torres at Ernie Candelario.

Nauna nang inapruba-han ng naturang komisyon ang 8 swimmers, 2 judokas, 1 gymnast at 1 rower para ibilang sa delegasyong pangungunahan ni chef de mission Julian Camacho ng wushu.

Posible pang umabot sa 500 ang kabuuang bilang ng grupong ilala-ban sa Vietnam SEA Games, ayon kay Ilagan.

vuukle comment

EDUARD BUENAVISTA

ERNIE CANDELARIO

GO TENG KOK

JOHN LOZADA

JULIAN CAMACHO

LERMA BULAUITAN-GABITO

MARITELLA TORRES

NESTOR ILAGAN

PHILIPPINE AMATEUR TRACK AND FIELD ASSOCIATION

TECHNICAL COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with