Pinoy football team 'di kasali sa SEA Games
October 14, 2003 | 12:00am
Ito na ang ikalawang sunod na pagkakataong hindi magpapadala ang Pilipinas ng mens football team sa Southeast Asian Games.
Sinabi ng isang football coach na bababa lamang ang kumpiyansa ng tropa kapag ang bansa na ang tatayong host ng SEA Games sa 2005.
Ang SEAG ang pinakamababang competition sa Asian level. Sana lang pinayagan na nila kami sa Vietnam, tutal tayo naman ang host ng SEA GAMES sa 2005, sabi ng mentor.
Hindi pinayagan ng Technical Commission, pinamamahalaan ni Steve Hontiveros ng bowling bilang chairman, ang mens squad na makalahok sa Vietnam SEA Games sa Disyembre 5-13.
Ito, ayon sa komisyon, ay dahilan sa kabiguan ng Philippine Football Federation (PFF) na makapagsumite ng dokumento ng lima sa ipinangako nilang pitong Fil-Europeans.
Kung hindi natin isasali sa Vietnam yung mga bata, mawawala yung confidence nila pagdating ng 2005 SEA Games, wika ng coach.
Hindi rin nakapagpadala ng mens team ang ban-sa sa nakaraang biennial event sa Kuala Lumpur, Malaysia noong 2001.
Pumatak na sa 424 ang bilang ng mga atletang nakapasa sa kriterya ng Technical Commission para sa national contingent na isasabak sa Vietnam SEA Games.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended