^

PSN Palaro

Mindanao Games dinagsa ng mga LGUs

-
Patuloy ang pagdagsa ng mga entries para sa nalalapit na Minadanao Games kung saan mas maraming local government units ang magpapadala ng kani-kanilang lahok na gaganapin sa Mati Centennial Sports Complex sa Mati, Davao Oriental mula Oktubre 19-24.

Hanggang kahapon, ang MG Secretariat ay nagproseso at nagkum-pirma ng paglahok ng mahigit sa 41 local government units na nagbabadya lamang ng posibilidad na paglahok ng mahigit sa 4,000 atleta at delegation members.

"Records show that majority of the registered participants come from provinces and component cities in the region. However, we are expecting a rise of participants from other highly urbanized cities in the coming days," ani Ariel Paredes, PSC national programs secretariat head.

Ayon naman kina Philippine Sports Commission Chairman Eric Buhain at Commissioner Leon Montemayor, ang overall project director na ang patuloy na pagdagsa ng mga partisipante sa Mindanao Games ay makakahikayat sa pagtaas ng promosyon at development ng sports sa rehiyon.

Ang mga sports na paglalabanan sa nasabing meet ay ang arnis, athletics, badminton, basketball, baseball, billiards, boxing, chess, cycling, dancesports, football, golf, gymnastics, judo, karatedo, pencak silat, sepak takraw, shooting, softball, swimming, table tennis, taekwondo, lawn tennis, triathlon, volleyball, at weightlifting. Isinama na rin ang palakasan para sa mga may kapansanan.

ARIEL PAREDES

AYON

COMMISSIONER LEON MONTEMAYOR

DAVAO ORIENTAL

HANGGANG

ISINAMA

MATI CENTENNIAL SPORTS COMPLEX

MINADANAO GAMES

MINDANAO GAMES

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION CHAIRMAN ERIC BUHAIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with