Nagtala si Quirimit ng apat na oras, 11 minuto at 12.72 segundo ang nasabi ring tiyempo ng stage winner na si Albert Primero ng PLDT-NDD at third placer Lito Atillano ng Gilbeys Island Punch, ngunit ang kanyang kinamadang oras noong Sabado sa Team Time Trial ay sapat na para masungkit ang overall winner ng dalawang araw na event na iprinisinta ng Air21.
Humakot si Quirimit, ang reigning Tour Pilipinas champion ng kabuuang 6:00:26.36 sa dalawang araw na karera na tumahak ng 256-kms upang ibulsa ang top individual prize na P20,000 sa karerang ito na ang pangunahing sponsored ay ang FedEx at Mail & More.
Ang iba pang siklista na tumapos sa top five sa overall individual classification ay sina Oscar Espiritu (Tanduay) 6:01:41.82, Warren Davadilla (Intel) 6:02:33.64, Rene Esteban (Postmen) 6:04:33.64 at Reynaldo Navarro (Postmen) 6:04:41.70.
Nagtala ang Tanduay ng kabuuang 25:58:49.48 upang itakas ang overall team title.
Pumangalawa ang Intel na may 26:10:13.70, pumangatlo ang DOTC Postmen na may 26:14:16.70, sumu-nod ang DILG Patrol 117 sa kanilang itinalang 26:17:70.27 at pumanglima ang PLDT NDD na may 26:17:36.88.
Ang iba pang kumumpleto sa overall standings ay ang Samsung, 6th (26:18:42.30), 7th Bowling Gold (26:27:12.75), 8th Gilbeys Island Punch (26:38:44.48), 9th DILG Drug Busters (26:39:43.47), 10th DENR Ecosavers (26:45:55.93) at 11th ang Pagcor (27:02:51.76).
Ang dalawang araw na Pangasinan na karera ay tumahak ng 78-km Alaminos-Bolinao-Alaminos TTT stage noong Sabado at 178-km massed start mula Alaminos-Mangatarem na dumaan sa 22 siyudad at munisipalidad ng nasabing probinsiya noong Linggo.
Ilan sa mga kilalang pangalan sa Tour Pilipinas ang hindi nakasali sa karera sa dahilan ng kani-kanilang commitment sa national team na ipadadala sa Vietnam SEA Games sa Disyembre. Kabilang dito ang kasalukuyang sumasabak sa Malaysia na sina Lloyd Reynante, Ryan Tanguilig, Enrique Domingo, Paulo Manapul at Merculio Ramos.