^

PSN Palaro

Mendoza, Miller PBA Player of the Week

-
Nagsosyo sina Paolo Mendoza ng Sta. Lucia at Willie Miller ng Red Bull sa karangalan bilang PBA Players of the Week makaraan ang kani-kanilang impresibong performance para sa panalo ng kani-kanilang koponan.

Parang hindi galing sa injury si Mendoza makaraang magpamalas ng kanyang galing habang sa kabilang dako, niyanig naman ni Miller ang Shell makaraang hatakin ang Red Bull sa ikaapat na yugto ng kanilang come-from-behind na tagumpay na nagpreserba sa maa-liwalas na road record ng Barakos.

Ang dalawang nabanggit na manlalaro ay kapwa nagtabla sa pag-kakapili bilang Player of the Week sa PBA Rein-forced Conference sa linggo ng Oktubre 7-13.

Sa kanyang unang laro mula ng gumaling sa injury, nag-init si Mendoza at binugbog ang Ginebra.

Gumawa ito ng apat na triples noong gabi at ihanda ang mga kakampi nang magsumite ito ng limang sunod na assists at makaligtas ang Realtors mula sa masakit na paa ni import Nate James tungo sa 92-85 panalo.

Tumapos si Mendoza nang may kabuuang 22 puntos ng gabing iyon at ito ang naging tinik sa depensa ng Ginebra.

Makalipas ang dalawang gabi, humakot ng 14 puntos si Mendoza ngunit nakilala pa rin sa kanyang pagiging offensive player makaraang magtala ng 8 assists nang epektibong bitbitin ang Sta. Lucia sa 93-82 panalo laban naman sa Purefoods at makuha ang quarterfinal seat.

Sa kabilang dako, umeksena si Miller sa Palawan kahit na dominado ng Shell ang kanilang laban sa loob ng tatlong yugto.

Pinahanga ng mabilis na guard ang mga manonood sa pamamagitan ng kanyang istilo sa kanyang blocking shots at scoring na tampok sa labang iyon.

vuukle comment

BARAKOS

GINEBRA

GUMAWA

MENDOZA

NATE JAMES

PAOLO MENDOZA

PLAYER OF THE WEEK

PLAYERS OF THE WEEK

RED BULL

WILLIE MILLER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with