Gatchalian vs Granger sa all-Pinoy semis sa Aviva Bowling Tour
October 14, 2003 | 12:00am
Pinatalsik ni Jonee Gatchalian ang kababayang si Biboy Rivera sa unang round, at isinunod naman ang second seed na si Nardi Mohn Noor ng Malaysia upang isaayos ang semifinals na makikipagtagpo sa nagtatanggol na grandslam champion na si Purvis Granger sa Aviva Bowling Tour sa Indonesia leg sa Jaya Ancol Bowl sa Jakarta.
Sa katunayan, ito ay isang all-Filipino semis, kung saan si Granger ay isa sa coach ng Philippine bowling team, bitbit ang Pambansang kulay sa ikaapat na yugto ng 6-stage series na magsasara sa Grand slam finals sa Singapore sa susunod na taon.
Sina Gatchalian, Granger, Rivera at Chester King ay kapwa nakapasok sa top 14 ng Masters finals ng first Indonesia International Open Championships. Ngunit yumuko si King sa unang round pa lamang nang matalo ito kay Indon David Sitorious, 148-181.
Napanatili ni Gatchalian ang momentum sa pamamagitan ng kan-yang 223-210 panalo kay Rivera sa opening round at Pinigil si Noor sa second round, 245-205, upang ihanda ang sarili na makatagpo si Granger, na nanalo sa Manila leg ng event na ito noong nakaraang Hunyo.
Si Granger, na nakipagtulungan sa tabi ni RP team head coach John-son Cheng sa Busan Asian Games, ay nanalo kay Lenny Lim ng Singa-pore, 247-183 at magpakitang-gilas nang patalsikin ang Australian na si Andrew Frawley, 267-229.
Gayunpaman, sinamang-palad naman ang nag-iisang Filipina quali-fier na si Liza del Rosario nang matalo ito kay Alice Tay ng Singapore, 195-247 sa unang round pa lamang.
Umusad sa semis ng kababaihan sina local bets Happy Soediyono at baguhang si Lily Suhaimi kasama sina Hong Kong leg champion Vanessa Fung at Singaporean Michelle Kwang.
Ang Aviva Asian Bowl-ing Tour ay nagbibigay ng unang regional ranking system sa mga bowlers. Nakataya din dito ang premyong nagkakahalaga ng US$226,000.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended