^

PSN Palaro

Bronze medal, uwi ni Tañamor

-
KARACHI, Pakistan - Isang bronze medal lamang ang naisubi ng RP Team-Revicon at ito ay mula kay Harry Tañamor na lumasap din ng hindi magandang tawag ng mga hurado sa Green Hill Cup Boxing tournament sa P.T. Complex dito.

Ang 24 anyos na si Tañamor, ay malinaw na pinakamahusasy na lightflyweight sa kanyang duwelo kay PDL Bedak ng Hungary ngunit bulag ang 5-man jury at binigo ang armyman mula sa Tubungan, Zamboanga City ng slot sa finals ng 12-nation event sa pamamagitan ng 20-22 score.

"Parang pinigil nila ang Philippines na makaabot sa finals para siguro sa mga bata nila. Pero para sa amin, panalo ang mga boxers natin," ani head coach George Caliwan.

Nalaglag din sa quarterfinals sina Sydney Olympics veteran Arlan Lerio (bamtamweight) at navyman Junard Ladon (featherweight), na tulad ni Tañamor ay kabilang sa mga pinakamahuhusay na gold medal winners sa first Goa International Championship sa India noong nakaraang linggo kasama din sina navyman Florencio Ferrer (lightwelter) at Warlito Parrinas (flyweight).

ARLAN LERIO

FLORENCIO FERRER

GEORGE CALIWAN

GOA INTERNATIONAL CHAMPIONSHIP

GREEN HILL CUP BOXING

HARRY TA

JUNARD LADON

SYDNEY OLYMPICS

WARLITO PARRINAS

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with