^

PSN Palaro

Winning streaks ng Red Bull diniretso

-
Sumandal ang Red Bull kay Willie Miller sa ikaapat na quarter upang makabangon sa 14-point deficit, ngunit si Davonn Harp ang naging bayani para maungusan ang magiting na nakipaglabang Shell, 80-78 sa Puerto Princesa Coliseum kagabi sa pagbisita ng PBA sa Palawan.

Tabla ang iskor sa 78-all, may 7.1 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro, tinanggap ni Harp ang inbound pass mula kay Willie Miller at itinulak nito ang defender na si Shell import Jamal Kendrick para umiskor ng nagpanalong short stab.

Bagamat may 3.9 segundo pang natira para sa huling posesyon ng Shell, walang nangyari sa minadaling tres ni Rensy Bajar na tuluyang nagkaloob sa Barakos ng panalo para mapahaba ang kanilang winning streak sa anim na panalo na nag-angat ng kanilang record sa 7-2 sa likod ng Group B leader na Coca-Cola, 8-1.

Umiskor si Miller ng 13 sa kanyang 15-point performance upang pangunahan ang 16-5 run sa ikaapat na quarter para agawin ng Red Bull ang pamumuno, 78-76, 1:25 ang nalalabing oras sa laro.

Mahusay na depensa ang ipinamalas ni Tony dela Cruz kay Red Bull import Scott Burrell na nalimitahan lamang sa apat na puntos at walong rebounds kaya nakalamang ang Turbo Chargers sa 62-48 bago matapos ang third quarter sa pangunguna ni Kendrick na tumapos ng 25 puntos.

Nakakuha ng foul si Bajar mula kay Miller at naikonekta nito ang dalawang bonus shots, 7.1 segundo na lamang na nagbigay ng pag-asa sa Shell matapos itabla ang iskor sa 78-all, ngunit nauwi sa wala ang lahat ng kanilang pinaghirapan matapos malasap ang ikaanim na talo sa siyam na laro na lalong nabaon sa pangungulelat sa Group B.

Samantala, magpa-patuloy ang aksiyon sa Araneta Coliseum tampok ang mga koponan sa Group A na hangad maiangat ang kani-kanilang standings.

Pangungunahan ito ng Sta. Lucia na magpaparada ng bagong import sa kanilang pakikipagharap sa Purefoods na babalikan na ng kanilang head coach sa alas-6:30 ng gabing sagupaan.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

DAVONN HARP

GROUP A

GROUP B

JAMAL KENDRICK

PUERTO PRINCESA COLISEUM

RED BULL

RENSY BAJAR

SCOTT BURRELL

WILLIE MILLER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with