^

PSN Palaro

Lerio bumandera na

-
Humatak ang 26-anyos na si Lerio ng impresibong 17-6 panalo kontra kay Yutthaphonsut Nongbu ng Thailand sa kanilang bantamweight duel.

Ang panalong ito ni Lerio ang magsisilbing panibagong inspirasyon ng Filipinos sa pagsisimula ng kampanya ng five-man National team na suportado ng Pacific Heights, Accel at Philippine Sports Commission, ngunit ang panalong ito ay tinabunan ng pagkabigo ni Junard Ladon na lumasap ng biased na manual scoring ng mga judges sa kanilang featherweight match ni Song Guk ng South Korea.

Maganda ang ipinakita ng 20-anyos na si Ladon mula sa Bago City sa unang round kontra sa mas mataas niyang karibal nang mawalan ng kuryente sa loob ng coliseum.

Ngunit sa pagbabalik ng kuryente matapos ang ilang minuto, nasira naman ang computer na ginagamit sa scoring at napuwersa ang organizers na nombrahan ang limang judges na gumamit ng manual scoring.

Si Ladon na gaya ni Lerio na gold medalist sa nakaraang first Goa Bo-xing Championships sa India ay nagawang maka-sabay sa kanyang kalaban hanggang sa fourth at final na round, ngunit tanging dalawang judges lamang ang pumabor sa kanya matapos na ang tatlo ay kumampi naman sa South Korean.

Sa kabila ng kabigu-ang ito ni Ladon, umaasa pa rin ang nalalabing apat na miyembro ng RP Team-Revicon na mai-pagpatuloy ang kanilang winning streak sa India kung saan sumungkit sila ng tatlong golds at dala-wang silvers sa tournament na ito.

Aakyat si Lerio, ipinagmamalaki mula sa Antipas, North Cotabato sa ibabaw ng lona sa Huwebes kontra naman sa isa pang South Korean foe.

Sasagupain ni Warlito Parrinas, 20-anyos mula sa Cadiz City si Kim I-hyon ng South Korea sa flyweight bout, habang makikipagpalitan naman ng suntok ang Navyman na si Florencio Ferrer ng Bago City sa lightwelter na si Somchai Nakbalee ng Thailand.

BAGO CITY

CADIZ CITY

FLORENCIO FERRER

GOA BO

JUNARD LADON

KIM I

LADON

LERIO

SOUTH KOREA

SOUTH KOREAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with