^

PSN Palaro

Buenavista,flag bearer ng RP sa Vietnam SEA Games

-
Matapos ang isang rower, isang long distance runner naman ang siyang magiging flag bearer ng Philippine delegation para sa darating na 22nd Southeast Asian Games sa Vietnam sa Disyembre.

Ang 4-foot-11 na si Eduardo Buenavista ang siyang magbubuhat ng bandila ng bansa sa biennial event na nakatakda sa Disyembre 5-12.

"The decision was based on the two gold medals he won in the last Southeast Asian Games in Kuala Lumpur (Malaysia) in 2001, and being consistent in this performance in the recently-concluded Asian Athletics Championships," ani Philippine Olympic Committee (POC) president Celso Dayrit kahapon.

Ang pambato ng Sto. Niño, South Cotabato ang nag-uwi ng dalawang ginto sa men’s 3,000m steeplchase at 5,000 run sa 2001 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia at sumungkit naman ng isang tanso sa 3As sa 5,000m na idinaos dito.

Si national rower Benjie Tolentino, 8th placer sa 2000 Sydney Olympic Games sa Australia, ang huling naging flag bearer ng bansa sa Kuala Lumpur sa SEA Games.

Samantala, inapru-bahan naman ng Philippine SEA Games Orga-nizing Commission (PHILSOC) ang pagkakadagdag ng walong swimmers sa RP contingent para sa Vietnam kasama ng dalawang judokas, isang diver at isang gymnast.

Ang walong tankers ay makakasama nina Carlo Piccio, Miguel Mendoza, Jenny Guerrero, Miguel Molina, Liza Danila at Timmy Chua sa Vietnam.

Sina Daniel Pedro at Algadir Ekong ang dinagdagdag sa judo, habang si Victor Paguia sa diving at si Patricia Paraso sa gymnastics.(Ulat ni Beth Repizo)

ALGADIR EKONG

ASIAN ATHLETICS CHAMPIONSHIPS

BENJIE TOLENTINO

BETH REPIZO

CARLO PICCIO

CELSO DAYRIT

DISYEMBRE

EDUARDO BUENAVISTA

KUALA LUMPUR

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with