Burrell bumandera uli
October 9, 2003 | 12:00am
Maagang pumalaot ang Red Bull Barako upang kontrolin ang laban at magpundar ng malaking kalamangan na di nakayanang tibagin ng Purefoods para sa 95-86 panalo kagabi sa PBA Samsung Reinforced Conference kagabi sa PhilSports Arena.
Muling binanderahan ni import Scott Burrell ang Barako sa paghakot ng 20-puntos, 17 nito ay sa first half upang manatiling walang talo ang Red Bull mula nang siya ay dumating.
Ang Barako ay mayroon nang limang sunod na panalo at umakyat sa ikalawang puwesto ng Group B taglay ang 6-2 record sa likod ng nangungunang Coca-Cola, 7-1.
Samantala, pinaalalahanan ni PBA Chairman of the Board na si Jun Cabalan si FedEx team-owner Alberto Lina sa kanyang responsibilidad sa liga matapos ang kanyang naiulat na pahayag sa PSA Forum kamakalawa ukol sa Fil-Sham issue.
"If the newspaper reports quoting Mr. Lina are accurate, said statements are totally uncalled for. As an active bonafide member of the PBA Board of Governors, Mr. Lina should have known that the problems besetting the league today, most specially the Fil-Am subject has been and is being discussed and acted upon by the entire Board together with the league Commissioner," ani Cabalan. (CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended