Bilang panimula sa kanyang ambisyosong plano ay ang pagsasagawa ng velodrome track sa may reclamation area sa Roxas Blvd. o pag-sasaayos ng Amoranto Velodrome sa Quezon City na humigit -kumulang ay gagastos ng P15 million para sa track lang mismo kung ang nauna ay hindi maisasakatuparan.
Umaasam din si Lina na makakamit ang unang gold medal sa cycling sapul nang maisakatuparan ito ni Joselito Santos noong 1995 sa nalalapit Southeasat Asian Games sa vietnam sa Disyembre.
Ang RP team ay pamumunuan nina Victor Espiritu at Arnel Quirimit, ang FedEx Tour Pilipinas champion ngayong taon, na lalahok sa Malaysian tournament bago ang kanilang pag-alis patungo sa Ho Chi Minh City, kung saan mauuna pa ng isang linggo ang mga siklista bago dumatong ang Pambandang delegasyon.
"Were all very hopeful. Sa ipinapakita naman ng mga siklista natin, sa tingin ko maganda ang tsansa," ani Lina.