^

PSN Palaro

Lina maraming plano para sa cycling

-
Maraming plano si Bert Lina, ang bagong halal na pangulo ng national federation for cycling para sa naturang sports upang maabot ang kanyang ambisyong maibigay sa bansa ang kauna-unahang olympic medal.

Bilang panimula sa kanyang ambisyosong plano ay ang pagsasagawa ng velodrome track sa may reclamation area sa Roxas Blvd. o pag-sasaayos ng Amoranto Velodrome sa Quezon City na humigit -kumulang ay gagastos ng P15 million para sa track lang mismo kung ang nauna ay hindi maisasakatuparan.

Umaasam din si Lina na makakamit ang unang gold medal sa cycling sapul nang maisakatuparan ito ni Joselito Santos noong 1995 sa nalalapit Southeasat Asian Games sa vietnam sa Disyembre.

Ang RP team ay pamumunuan nina Victor Espiritu at Arnel Quirimit, ang FedEx Tour Pilipinas champion ngayong taon, na lalahok sa Malaysian tournament bago ang kanilang pag-alis patungo sa Ho Chi Minh City, kung saan mauuna pa ng isang linggo ang mga siklista bago dumatong ang Pambandang delegasyon.

"We’re all very hopeful. Sa ipinapakita naman ng mga siklista natin, sa tingin ko maganda ang tsansa," ani Lina.

AMORANTO VELODROME

ARNEL QUIRIMIT

BERT LINA

HO CHI MINH CITY

JOSELITO SANTOS

QUEZON CITY

ROXAS BLVD

SOUTHEASAT ASIAN GAMES

TOUR PILIPINAS

VICTOR ESPIRITU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with