^

PSN Palaro

Determinasyon at malaking puso na sinamahan ng tulong ng Diyos ang susi ng tagumpay ng Tamaraws

-
Determinasyon at malaking puso na sinamahan ng tulong ng Diyos ang naging daan para maagaw ng Far Eastern University ang UAAP men’s basketball title sa Ateneo matapos ma-sweep ang kanilang best-of-three serye sa 2-0.

"It was the heart of players that gave us this victory. The boys played with their minds and hearts and it was the perfect formula for this series," pahayag ni Far Eastern coach Koy Banal, ang higit na pinag-pala sa ‘Holy War’‚ laban sa kanyang kapatid na si Joel ng Eagles.

Pagkatapos pa lamang ng nakaraang season, nagsimula nang maghanda ang Tamaraws at nangakong magbibigay ng magandang performance sa taong ito.

Ayon sa 41-gulang na si Koy na pinarangalang Coach of the Year, isang kontrata ang pinirmahan ng buong coaching staff para sa kanilang layunin sa season na ito.

"It’s some sort of a commitment to excellence," ani Koy na hindi nabigo sa kanyang misyon matapos isubi ang kauna-unahang titulo at ihatid ang ika-18th korona para sa Far Eastern.

Ngunit matapos ang kanyang title clinching win, 69-56 sa Game-Two kamakalawa, magkahalong saya at lungkot ang naramdaman ni Koy.

"Nalulungkot ako kasi I beat my brother (Joel)" ani Koy na nag-alay ng kanyang tagumpay sa nakakatandang kapatid na matagal na rin niyang hindi nakakasama. "He influenced my coaching career, this one is for you too."

Ngunit mayroon siyang malaking dahilan para mag-celebrate mata-pos ang impresibong panalo sa Ateneo na nagdomina ng elimi-nations.

Matagal na ring hindi nagkasama sina Joel at Koy ngunit pagkatapos ng kanilang "Banal na giyera", inaasahang maglalapit muli ang magkapatid para magpalitan ng kuru-kuro ukol sa kanilang nakaraang laban.

"You deserve it (ka-peonato), you did a good job, ngayon puwede na tayong mag-usap," ani Joel nang kanyang kamayan si Koy para batiin pagkatapos ng kanyang panalo. (Ulat ni CVOchoa)

ATENEO

AYON

COACH OF THE YEAR

FAR EASTERN

FAR EASTERN UNIVERSITY

HOLY WAR

KOY

KOY BANAL

NGUNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with