^

PSN Palaro

3 golds medal sa Pinoy boxers

-
HO CHI MINH CITY--Dahil sa malalakas na sigawan, pagwagayway ng bandila ng mga kababayang Pinoy, ibinigay lahat ng RP Team-Revi-con ang kanilang makakaya noong Linggo ng gabi upang ibulsa ang tatlong medalyang ginto at isang silver sa pagtiklop ng Pre-SEA Games Boxing Championships sa Phan Dinh Phung Stadium dito.

Hindi binigo ni pinweight Juanito Magliquian ng Philippine Navy ang mga Pinoy na nakabase dito nang kanyang igupo ang perennial rival na si Kaew Pongprayoon ng Thailand, 12-8.

Ang iba pang nanalo ng ginto ay sina bantam Joan Tipon na pinigil naman ang Chinese Olympian na si Deng Xue Long, 14-10 at Maximo Tabangcora III ng Philippine Army na nagpatiklop naman kay Pham Ngoc Hue ng Vietnam sa loob ng tatlong rounds.

Sa kanyang kauna-unahang international tournament, nakuntento lamang si flyweight Glenn Gonzales sa silver matapos na malasap ang kontrobersiyal na 26-25 pagkatalo sa mga kamay ng Vietnamese na si Nguyen Kien Cuong.

Ang nasabing desisyon ay hindi nagpaupo sa maraming bilang ng mga Filipino fans na sumuporta sa RP pugs kung saan kanilang sini-gawan at bino-boo ang local winner hanggang sa awarding ceremonies.

Mas agresibo si Gonzales sa kanyang kalaban na kanyang napabagsak nang patamaan niya ito ng left straight sa baba. At sa kanyang tangka na manatiling nakatayo, ginawa ng Vietnamese ang lahat sa final round nang kanyang dalhin ang Pinoy sa canvass ng tatlong ulit, subalit hindi man lang siya binigyan ng babala.

Naligtasan naman ni Magliquian ang head-to-head, toe-to-toe battle kontra sa katulad rin na Thai na tumalo sa kanya sa quarterfinals ng 2001 Kuala Lumpur SEA Games.

Ngunit matapos ang kanilang third round encounter sa ibabaw ng lona, taglay na ni Magliquian ang 2-1 bentahe. Bunga nito, idineklara ng protege ni Talisay, Negros Occ. Mayor Anthony Lizares ang kanyang kahandaan para sa Vietnam SEA Games ngayong Decem-ber.

Maliwanag naman ang naging tagumpay ni Tipon sa kanyang laban kontra sa barrel-chested Chinese rival nang kanya itong pasayawin sa ibabaw ng lona.

Sinupil na agad ni Tabangcora ang kanyang kalaban sa first round pa lamang at hindi na tinigilan ang kanyang pananalasa at siya ay kumunekta agad ng suntok kung saan ang kanyang kalaban na Vietnamese ay dumugo ang ilong nang tamaan niya ito ng left straights makaraan ang dalawang round.

Nakuntento naman sa bronze si lightfly Godfrey Castro ng Philippine Army matapos na matikman ang masaklap na pagkatalo sa mga kamay ni Vietnamese Le Van Tri sa semis, habang nabigo namang magwagi si lightwelter Mark Jason Melligen, isa pa ring rookie.

Sa kabuuan, ang Pinoy ay nagwagi sa 10-13 matches sa southern Viatnamese city at bunga ng kanilang tatlong golds, tig-isang silver at bronze, uuwi sila ng bansa na taglay ang first-runer up trophy.

CHINESE OLYMPIAN

DENG XUE LONG

GAMES BOXING CHAMPIONSHIPS

GLENN GONZALES

GODFREY CASTRO

JOAN TIPON

JUANITO MAGLIQUIAN

KANYANG

PHILIPPINE ARMY

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with