^

PSN Palaro

5 Pinoy naman ang nasa Goa finals

-
GOA, INDIA--Hindi pumayag sina Junard Ladon at Florencio Ferrer na mapag-iwanan sa karangalan nang magtala ito ng impresibong panalo at nagbigay daan sa RP-Team Revicon na makumpleto ang Filipino lineup patungo sa finals ng first Goa International Boxing championships sa Colva Beach and Resort dito.

Binugbog ni Ladon ang Qatari na si Sadek Ablatif, 22-7 sa feather-weight semifinals habang hiniya naman ni Ferrer ang hometown hero na si Kongaokal, 39-31 sa kanilang duwelo sa lightwelter.

Makakasama nila sina lightflyweight Harry Tanamor, fly Warlito Parrinas at bantam Arlan Lerio sa finals para sa RP Team-Revicon na suportado ng Pacific Heights, Accel at Philippine Sports Commission sa kanilang kampanya sa kauna-unahang golden sweep sa kasay-sayan ng international campaign ng ating bansa.

"Sa buong taon ko sa Philippine boxing, ngayon lang nangyari ito. Ang pinakamaganda na natin na nagawa ay nuong pumasok ang sampu sa 11 boxers natin sa finals noong 1988 sa Taiwan. Pinahanga talaga ng mga bata ang mga tao dito," paglalahad ni head coach George Caliwan.

Bagamat nahaharap sa mabigat na pagsubok para sa tangkang golden sweep, ipinangako ng limang Pinoy na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya.

Makakaharap ni Tañamor si Khemanand Belwal ng India-Gold, maki-kipagsuntukan naman si Parrinas kay Suresh Kumar ng India-Red, makikipagtipan si Lerio kay Vijender Singh ng India-Red, at makaka-laban ni Ladon Naveendev ng India-B.

ARLAN LERIO

COLVA BEACH AND RESORT

FLORENCIO FERRER

GEORGE CALIWAN

GOA INTERNATIONAL BOXING

HARRY TANAMOR

INDIA-RED

JUNARD LADON

KHEMANAND BELWAL

LADON NAVEENDEV

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with