^

PSN Palaro

UTANG NA LOOB

GAME NA! - Bill Velasco -
Lipa City, Batangas -- Isa sa mga pinakita ni Detlef Schrempf, dating NBA All-Star, ay ang husay niyang magpakita ng utang na loob sa larong bumuhay at nagpayaman sa kanya, at nagbigay ng magandang buhay sa kanyang pamilya.

"Basketball has done so much for me," pag-amin ni Schrempf. "To do what you love, work out - then suddenly get paid for it, it’s great. It’s allowed me to travel all over, do so many things."

Naririto si Schrempf para turuan ang mga kabataan ng basketbol sa Sentrum ng La Salle Lipa, dating pinaglalaruan ng Batangas Blades ng MBA. Mahigit tatlong daang batang lalaki at babae ang sumali dito para makasalamuha din ang dating NBA Sixth Man of the Year.

"Children are our future, everybody’s future," sagot ni Schrempf nang tanungin tungkol sa kanyang foundation, na sampung taon nang tumutulong sa mga kabataan sa America. "This is our way of making life less complicated for them. Everybody’s made their life complicated: the media, corporations, everybody. At least, through basketball, they can enjoy something that makes life a bit simpler."

Kasama ni Schrempf ang anim na beteranong coach at intern para sa programang Adidas "Understand the Game" na nanggaling na sa Olongapo at Fort Bonifacio.

Nakita niya na maraming mahuhusay na manlalaro dito sa atin, subalit nakakaligtaan ang mga maliliit na bagay sa laro ng basketbol.

"There are a lot of athletic players," dagdag niya. "But not too many big men, so internationally, it’s going to be hard to compete. But they’re also forgetting a lot of the little things which, if you do them consistently, you can make a big impact on the game overall."

Nagretiro si Schrempf noong 2001, nang malinaw sa kanyang hindi na siya magpapatuloy sa paglalaro sa Portland Trailblazers. Ayaw din niyang ilipat ang pamilya niya mula sa Seattle, at napagod na rin siya matapos ang labing-anim na taon ng pakikipagbunuan sa pinakamahuhusay na manlalaro sa buong mundo.

"Jordan, Bird, Magic, you name ‘em," ngiti niya, "I guarded them all. The entire Dream Team, I played against all of them. I’ve been very fortunate."

BATANGAS BLADES

DETLEF SCHREMPF

DREAM TEAM

FORT BONIFACIO

LA SALLE LIPA

LIPA CITY

PORTLAND TRAILBLAZERS

SCHREMPF

SIXTH MAN OF THE YEAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with