^

PSN Palaro

Suarez,Canare lumapit sa titulo

-
TEGUCIGALPA, HONDURAS -- Lumapit sina CJ Suarez at Jojo Canare sa pinakamalaking tagumpay matapos ang silver-medal finish sa Asian Games nang lumapit ang mga ito sa pinakamaningning na AMF Bowling World Cup.

Humatak ng magkaibang panalo sina Suarez at Canare kontra sa kanilang mga kalabang Belgian na si Chris Van Damme at Malaysian Shalin Zulkifli, ayon sa pagkakasunod upang makakuha ng puwesto sa semifinals ng prestihiyosong event dito sa Planeta Sipangco Bowling Center.

Ang 24 anyos na si Suarez, double-gold medalist noong 2001 Malaysian SEA Games ay tinalo si Damme sa low scoring laban 2-0 (196-195, 183-140).

Sa kabilang dako naman ang 34 anyos na si Canare ay kailangang maging matatag sa tatlong laro nang ilista nito ang 223-223 (47-49), 217-195, 257-207 paninilat kay Zulkifli--Busan Asian Games gold medalist at kapapanalo lamang sa Aviva Asian Bowling tour grand slam finals.

Ang 257 ni Canare sa ikatlong game ay ang pinakamataas sa women’s quarterfinal round.

Dahil sa tagumpay na ito nina Suarez at Canare, nanatili silang matatag sa posibleng pagduplika sa ginawa ni Paeng Nepomuceno at Lita dela Rosa sa bowling spectacle na ito.

Ngunit kailangang kapwa patalsikin nina Suarez at Canare ang kanilang kalabang Finnish na si Mika Luoto at American Shannon Pluhowsky sa kanilang trono sa semifinals para sa inaasam na korona.

Kapag nakalusot sina Suarez at Canare sa mga reigning champions, malamang na makalaban nila sa finals ang top seed na sina Marie Ramirez ng Costa Rica at Bill Hoffman ng US.

vuukle comment

AMERICAN SHANNON PLUHOWSKY

ASIAN GAMES

AVIVA ASIAN BOWLING

BILL HOFFMAN

BOWLING WORLD CUP

BUSAN ASIAN GAMES

CANARE

CHRIS VAN DAMME

COSTA RICA

SUAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with