Unang-unay parang doughnut ang Shell Velocity. May butas sa gitna dahil nga sa hindi pa rin nakakakuha ng solid na sentro si coach Perry Ronquillo. Ayon nga kay Ronquillo ay kumpleto na ang kanyang mga materyales sa ibat ibang posisyon pero sentro na lang ang kanyang kulang at reremedyuhan niya ito sa 2004 Draft.
Kumbagay sakripisyo na lang para sa Shell Velocity ang season na ito.
Magkagayon man ay kitang-kita na lumalaban nang husto ang Turbo Chargers. Hindi nga bat muntik na silang makarating sa quarterfinals ng All-Filipino Cup pero natalo lang sila sa Barangay Ginebra sa kanilang huling laro.
Ngayong may imports ang Reinforced Conference, kahit paanoy na-solve ng Shell ang problema tungkol sa sentro. Tila okay naman ang ikatlong import nilang si Jamal Kendrick na nagtala ng 25 puntos, 14 rebounds, dalawang assists at isang steal upang tulungan silang magwagi kontra San Miguel Beer, 98-95 noong Miyerkules.
Di hamak na okay si Kendrick kaysa kay Tim Breaux na nagtala lang ng sampung puntos at apat na rebounds nang matalo sila sa Barangay Ginebra, 110-96 sa kanilang pagtatagpo sa Calape Bohol noong Sabado. Si Breaux ay pumalit kay Cedric Webber na nagtamo ng injury.
Hindi naman talaga kailangan ng Turbo Chargers ng isang import na umiiskor, e. Rebounder talaga ang kailangan ni Ronquillo at pasado na si Kendrick sa puntong ito.
Kasi ngay napakaraming scorers ng Turbo Chargers. Siniguro ni Ronquillo na maraming outside shooters ang kanyang team.
Kung titingnang mabuti, balanseng-balanse ang atake ng Turbo Chargers dahil sa apat na locals ang naga-average ng double figures sa kasalukuyang Reinforced Conference.
Si Tony dela Cruz, siyang frontrunner para sa Most Improved Player award, ang siyang leading local scorer ng Shell Velocity. Umasenso na talaga nang husto si Dela Cruz na nag-average ng 19.86 puntos bukod pa sa 8.86 rebounds, 2.57 assists, 1.43 steals at 0.29 blocked shot sa 41 minuto.
Ang iba pang Turbo Chargers na may double figures sa scoring ay sina Eddie Laure, Dale Singson at Christian Calaguio.
Si Laure, ang third pick overall sa nagdaang draft, ay may average na 16.72 puntos, 7.43 rebounds at 1.14 assists. Si Singson ay may average namang 11.72 puntos, 3.72 rebounds, 8.72 assists at 1.29 steals samantalang si Calaguio ay mayroong 10 puntos, tatlong rebounds at dalawang assists kada laro.
Kaya lang, kahit may 3-4 record ang Shell ay nangungulelat pa rin ang Turbo Chargers sa Group B at kung ngayon magkaka-tanggalan, abay malalaglag sila sa ilalim ng format ng torneo. Itoy sa kabila ng pangyayaring mas maganda ang kanilang record kaysa sa apat na koponan sa Group A.
Kaya naman marami ang nagsasabing parang unfair yata sa Shell Velocity ang rules ng liga. Pero nandiyan na iyan, e. Kailangan ng Shell na ipagpatuloy ang paglalaro nang may malaking puso upang maging maganda naman ang pagtatapos ng 2003 season para sa kanila.