Shannon,Menese bida sa panalo ng FedEx
October 4, 2003 | 12:00am
ANTIPOLO -- Nagpasiklaban sina FedEx import Terrence Shannon at ang bagong Purefoods import na si Leonard Cooke ngunit nakiaagaw sa atensiyon si Vergel Meneses para sa impresibong 121-105 panalo ng Express sa Samsung-PBA Reinforced Conference kagabi sa Ynares Center dito.
Nakipagsabayan si Shannon kay Cooke na isang mahusay na slam dunker, sa dakdakan sa pagkamada ng 39 puntos performance kagabi.
Ngunit naging malaking tulong ang eksplosibong paglalaro ni Mene-ses na tumapos ng 24-puntos bukod pa sa apat na rebounds at dahil sa kanyang pitong assists, isang career achievement ang kanyang naabot bilang bagong miyembro ng 2000-assists club.
Sa debut game ni Cooke na kinuha ng Purefoods para palitan si Ha-rold Arceneaux, ipinakita nito ang kahusayan sa pagda-dunk para pamunuan ang TJ Hotdogs sa kanyang tinapos na 47-puntos ngunit kinulang ito ng suporta mula sa mga locals.
Dahil dito, naputol ang three-game losing streak ng Express at umangat sa 3-5 win-loss record sa Group B habang nabigo naman ang TJ Hotdogs na bigyan ng panalo si acting coach Ronnie Magsanoc na pumuno sa puwesto ni Ryan Gregorio na nagtungo sa Minnesota para sa isang coaching seminar, sanhi ng kanilang ikaapat na sunod na kabiguan at ikaanim sa pitong laro.
Halos dinomina ng Express ang kabuuan ng laro kung saan nakakawa-a sila sa ikalawang quarter bago iposte ang pina-kamalaking kalamangan na 20-puntos, 121-101.
Samantala dadako naman ang aksiyon sa Lucena, Quezon tampok ang laban ng Sta. Lucia at Coca-Cola sa Quezon Sports and Convention Center sa alas-5:00 ng hapon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended