Lerio,Ladon nakasiguro ng bronze
October 4, 2003 | 12:00am
GOA, INDIA --Agad na naglabas sina Arlan Lerio at Junard Ladon ng kani-kanilang impresibong performance nang kanilang trangkuhan ang RP Team-Revicon sa maningning na pasimula sa 1st Goa International Boxing Championship noong Miyerkules sa Colva Beach dito.
Kapwa tinalo nina Lerio, 26-anyos at ng 20-gulang na si Ladon ang mga Asian Gamers at ang magkapatid na Singh na sina Dharam at Dharamvir, ayon sa pagkaksunod upang makuha ang respeto ng kanilang karibal at kababayan habang ibinigay naman kay coach George Caliwan ang magandang regalo sa kanyang birthday ang awtomatikong bronze medals bunga ng kanilang pag-entra sa semi-finals.
Pinatamaan ng quarterfinalist sa 2000 Sydney Olympics, at army technical sergeant na si Lerio ang mas matangkad na kalaban na si Dharam ng mga suntok sa katawan sa huling bahagi ng second round na nagresulta ng standing eight count kontra sa huli.
Umusad ang tubong Antipas, North Cotabato kung saan ang kanilang boxing family ay suportado ni Gov. Manny Piñol sa bantamweight (54 kgs.) quarterfinals sa Huwebes sa pamamagitan ng 25-10 panalo.
Binugbog naman ng navyman na si Ladon mula sa Bago City si Dharamvir nang kanyang patamaan ng suntok sa ulo sa buong apat na round na nagbigay sa kanya ng 21-11 panalo sa featherweight (57 kgs.) division.
"Medyo gigil ang mga bata. Parang gusto yata knockout ang mga panalo, siguro dahil birth-day ko ngayong araw," wika ni Caliwan, na magdiriwang ng kanyang ika-53 kaarawan.
"Pero ganyan talaga ang mga bata natin basta nasa abroad, mas gusto nila na mabalitaan na ma-ganda ang mga panalo nila ng mga kababayan natin. Saka para na rin hindi nakakahiya sa mga sumusuporta sa atin."
Sasabak si Lerio sa Huwebes kasama sina flyweight Harry Tañamor at lightwelter Warlito Parrinas, na ang huling dalawa ay magtatangka ng panalo para iseguro sa bansa ang bronze kung saan ang biyahe ng RP Team-Revicon ay suportado ng Pacific Heights, Accel at ng Philippine Sports Commission sa aksiyon.
Makakasagupa ni Tanamor, 24-anyos Armyman, si Somu ng India-B habang si Parrinas na nakakuha ng draw ay mapapasabak sa di pa mabatid na local bet.
Pipilitin ni Lerio na umusad sa medal round kontra Mangu ng Sri Lanka.
Kinukunsidera ang Philippines at Hungary na mahigpit na paborito dito, ngunit delikado rin ang Qatar at Sri Lanka na tinatayang mabigat na kalaban sa apat na koponan mula sa India at lahok ng Nepal, Bangla-desh at Afghanistan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended