Red Bull Barako vs Barangay Ginebra
October 3, 2003 | 12:00am
Tila matutulad ang namumuong rivalry ng Red Bull at Ginebra sa girian ng matagal nang magkaribal na Ateneo at La Salle sa UAAP.
Noong araw pa nagsimula ang rivalry ng Ateneo at La Salle kaya di na nakapagtataka pang magkaroon ng rambolan ang mga fans gaya ng nangyari sa kanilang nakaraang playoffs ng mens basketball tourna-ment.
Hindi naman sintindi ng girian ng Eagles at Archers ang rivalry ng Barakos at Gin Kings ngunit kung magkakaroon ng kaguluhan sa pagitan ng kanilang mga supporters, hindi na rin ito nakakasorpresa.
Nang unang magsagupa ang Red Bull at Ginebra sa PhilSports Arena kung saan nanalo ang huli sa 99-96 iskor matapos ang game win-ning basket ni import Rick Price, walang kamalay-malay ang mga Barakos at Gin Kings sa riot na naganap sa labas ng venue pagkatapos ng laro.
Nagkabanggaan ang supporters ng magkabilang panig kung saan may ilang nasugatan at may isang Ginebra fan na natagpuang walang malay at isinugod sa ospital.
Inaasahang madadala ang Barakos at Gin Kings sa girian ng kanilang mga fans sa kanilang muling pagsasagupa ngayon sa pagbisita ng Samsung-PBA Rein-forced Conference sa Ynares Center sa Antipolo City.
Kaya kahit malamig ang panahon, inaasahang magiging mainit sa venue sa pagsisimula ng kanilang sagupaan sa alas-7:30 ng gabi pagkatapos ng engkwentro ng Purefoods at FedEx sa alas-5:00 ng hapon.
Sa unang laro, kapwa hangad ng Group A teams na Purefoods (1-5) at FedEx (2-5) na makabangon mula sa tatlong sunod na kabiguan sa kanilang alas-5:00 ng hapon.
Hindi makakasama ng TJ Hotdogs si coach Ryan Gregorio na nasa Minnesota para sa coaching clinic, ngunit ipaparada ang bagong import na si Leonard Cooke na kapalit ni Harold Arceneaux.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am