KAPALARAN
October 2, 2003 | 12:00am
Kapalaran daw ang gumawa ng paraan upang magtagpo ang Far Eastern University at Ateneo de Manila sa kampeo-nato ng UAAP basketball tournament ngayong araw.
Ito ang binitiwang salita ni Joel Banal, head coach ng Blue Eagles, at nakatatandang kapatid ni Koy Banal, head coach ng Tamaraws. Ayon kay Joel, pananampalataya sa Diyos ang naging daan para makalusot ang kasalukuyang kampeon sa mahigpit na karibal nilang De La Salle University.
"Faith in God was the key to our making it this season," bungad ng patang-pata na si Banal matapos nilang patal-sikin ang Green Archers sa isang magulong laban kama-kalawa sa Araneta Coliseum. "Without any fun and without joking, thats what did it."
Sinabi pa ni Banal na, simula ng taong ito, inakala na niyang makakapasok sa finals ang FEU dahil sa lakas ng line-up nito. Ito ang naging paksa ng isang pag-uusap nilang magkapatid.
"I told him You go ahead to the Finals, and I will follow, seryosong kuwento ni Joel. "And thats what happened." Matatandaang halos naging propeta noong nakaraang taon si Banal nang sabihin niyang, kung makakapasok sila sa finals, ibibigay niya ang kampeonato sa Ateneo.
Subalit nagkaroon ng initan sa maraming pagkakataon noong Martes. Sa halftime, sa di malamang dahilan, nagkasa-bay lumabas sa court ang Ateneo at La Salle. Dahil dito, nagkabatuhan ang dalawang koponan. Ipinulong ni UAAP Commissioner Joe Lipa ang dalawang coach, at maging ang mga referee ay natagalang lumabas sa dugout.
Nagkaroon din ng di-pagkakaunawaan nang hilahin ni Joseph Yeo si Larry Fonacier at napituhan ng unsportsmanlike foul habang naghahabol ang Green Archers. At nang matapos ang laro, dinuro pa ni Yeo at Mac Cardona si Wesley Gonzales.
Sa likod naman ng bangko ng Ateneo nagkaroon ng pina-kamatinding kaguluhan. Sinuntok ng isang tagahanga ng La Salle si Enrico Villanueva ng Batang Red Bull habang nano-nood lang ito. Nabugbog ang nanggulo, subalit tinamaan din ang dating Blue Eagle na si Andrew Cruz. Natagalan bago napaalis ang dalawang koponan.
Siguro naman ay hindi hahayaan ng magkapatid na Banal na masira ang kampeonato ng ganitong mga insidente. Masi-sira lang ang akma nilang apelyido.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended