SMB ubos sa Shell
October 2, 2003 | 12:00am
Sumandal ang Shell sa kanilang bagong import na si Jamal Kendrick at sa impresibong performance nina Eddie Laure at Dale Singson upang agawin ang 98-95 panalo kontra sa San Miguel Beer sa PhilSports Arena, kagabi.
Ang tatlong manlalarong ito ang naging susi para makabangon ang Turbochargers sa 12 point deficit at makipagsabayan sa San Miguel sa ikaapat na quarter para makabangon sa kanilang dalawang sunod na kabiguan at iangat ang kanilang record sa 3-4, bagamat nanatiling kulelat pa rin sa Group B.
Tumapos si Laure ng may 27 puntos kabilang ang 14 sa ikaapat na quarter upang hindi mapag-iwanan ng husto ang Turbochargers.
Nagsumite naman si Kendrick, pumalit sa one-game import ng Shell na si Tim Breaux na nabigong makapagbigay ng magandang performance sa Bohol sa kanilang kabiguan sa Ginebra ng 25 puntos.
Humataw naman ng 14 puntos si Singson sa ikaapat na canto kung saan nagbangon ang Turbochargers para sa kanyang 20 point performance.
Isang 12-0 run ang pinagtulungan nina Kendrick at Singson upang makaahon sa 64-75 pagkakahuli at agawin ang trangko sa 76-75 papasok sa huling limang minuto ng laro.
Umabante pa ng hanggang anim na puntos ang Shell, 89-83, ngunit sa tulong ni import Kwan Johnson, nagkaroon ng tsansa ang Beer-men na maipreserba ang panalo nang umiskor ito ng tres, 90-93, 42 segundo pa ang nalalabi.
Ngunit, umiskor ng tigalawang freethrows sina Laure at Chris Cala-giuo para sa komportableng 97-91 bentahe, 33 tikada na lang ang nalalabi.
Nasayang ang 38 puntos ni Johnson, gayundin ang pagbabalik-aksiyon ni Dorian Peña, matapos malasap ng San Miguel ang ikaanim na kabiguan na lalong nagbaon sa kanila sa pangungulelat sa Group A.
Sa one-on-one King of the Court, tinalo ni Yancy de Ocampo ng FedEx Express si Leo Bat-Og ng Sta. Lucia, 18-14 sa unang round ng 6-foot-4 under division.
Samantala, habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Coca-Cola at Talk N Text bilang main game.(Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am