^

PSN Palaro

Kakaibang basketball clinic handog ni Schrempt

-
Hindi na bago ang magtanghal ng basketball clinics na isinasagawa ng mga National Basketball Association players.

Kaya naman nais ni dating Seattle SuperSonics star Detlef Schrempf na maiba ang kanyang istilo.

At nagtatrabaho sa likuran ng konsepto ng basketball para sa cultural exchange, opisyal na inilunsad ni Schrempf ang sariling cage workshop makaraang magretiro sa larong kanyang minahal may tatlong taon na ang nakalilipas.

At dito sa Maynila ang unang napiling lugar ng 6’10 German ngunit US citizen na si Schrempf kung saan katatapos lang ng kanyang dalawang araw na clinic sa Olongapo, at dalawa pa sa Lipa, Batangas na nakatakda sa Oktubre 3-5.

Ang 40 anyos na forward na naglaro din sa Dallas Mavericks, Indiana Pacers at Portland Trail Blazers, ay nagsagawa din ng coaching clinic kahapon at namamahala din ng Big Man’s camp ngayon sa Adidas-Sports Kamp sa Fort Bonifacio.

"The experience has been great so far," ani Schrempf na pinagkaguluhan sa PSA Forum sa Manila Pavilion kung saan naging panauhin ito kasama ang buong kampo niya at staff na si Brooks Meek.

"For me, basketball is a means to communicate, it’s an avenue for a good cultural exchange," paliwanag ni Schrempf sa naturang programa na suportado din ng Red Bull, Agfa Colors at PAGCOR.

ADIDAS-SPORTS KAMP

AGFA COLORS

BIG MAN

BROOKS MEEK

DALLAS MAVERICKS

DETLEF SCHREMPF

FORT BONIFACIO

INDIANA PACERS

MANILA PAVILION

SCHREMPF

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with