RP boxers kakampanya sa tatlo pang international event
September 30, 2003 | 12:00am
Ang kampanya na muling maagaw ang supremidad sa boxing sa Southeast Asia ay ipupursige ng bansa nang 12 na matitikas na boksingero nito ang kanilang ipadadala sa India, Pakistan at Vietnam sa susunod na dalawang linggo.
Ang unang destinas-yon ng leave-no-unturned para sa preparasyon sa nalalapit na SEA Games sa Vietnam ngayong Disyembre, ay ang Goa, India kung saan ilang mahuhusay na pugs sa Asia ang siyang lalahok sa 1st GOA Inter-national Boxing Championships na nakatakda noong Sept. 29 hanggang Oct. 6.
Ang RP-Team-Revicon na binubuo nina Harry Tañamor, Warlito Parrenas, Arlan Lerio, Junard Ladon, Esmael Bacongon at Florencio Ferrer ay agad na tutungo sa Karachi, Pakistan para sa Green Hill Cup International Boxing Tournament sa Oct. 7-14.
Umalis na kamakalawa ng gabi ang RP Team-Revicon na igigiya nina Gregorio Caliwan at ng kanyang assistant na si Nolito Boy Velasco kasama si Darlito Teodoro bilang Filipino referee-judge patungong India.
"We expect no less than an all-out performance from this team. Every members knows there is only one mission here to win the golds for the Philippines in the coming SEA Games," ani Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) president Manny Lopez.
Ang isa pang RP Team-Revicon ay binubuo naman ng anim na fighters na panangungunahan nina Maximo Tabangcora at Juanito Magliquian na aalis patungong Ho Chi Minh, Vietnam sa Martes upang sumabak sa Pre-SEA Games Boxing Championships sa Oct. 1-7.
Si Vicente Arsenal ang tatayong head coach kasama sina Elmer Pa-misa bilang assistant at Ruben Roque bilang manager. Si Dante de Castro ang Filipino referee-judge.
Ang tatlong biyahe ay suportado ng Pacific Heights, Accel at Philip-pine Sports Commission.
"I wish our Filipino boxers the best. The whole Filipino sporting committee is behind them in this tough road to the SEA Games. I commend ABAP for its tireless effort to come up with only the best boxing team for the SEA Games," ani PSC Chairman Eric Buhain.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended