Xavier School, solo lider

Pinagulong ng Xavier School ang Roosevelt College, 80-36 para sa ikatlong sunod na panalo at solo liderato sa 2nd San Juan Inter-High School Basketball tournament sa San Juan Gym.

Nagsabog ng 22 puntos si Mikael Bienn Tan upang pangunahan ang atake ng Xavier. Nakakuha siya ng magandang suporta kay Christian Lao na nagtala ng 18 puntos upang layuan agad ng Xavier ang Roosevelt College, 48-23 sa pagtatapos ng first half.

Sa iba pang laro sa torneong inorganisa ni San Juan vice mayor at dating PSC commissioner Leonardo "Boy" Celles, itinala ng St. John’s Academy at OB Montessori Inc. ang kanilang unang panalo para sa 1-1 record.

Naungusan ng St. John ang Philippine Cheng Kuang High, 70-67 samantalang dinaig ng OB Montessori ang Tabernacle of Faith Christian Academy, 67-54.

Show comments