So, nakaahon sa kabiguan
September 29, 2003 | 12:00am
Ang araw matapos na malasap ang kanyang unang kabiguan sa tournament sa mga kamay ni Karl Victor Ochoa, bumangon ang kiddie champion na si Wesley So upang iposte ang kanyang krusiyal na panalo kontra naman sa lahok ng Mindanao na si Ronnel Alsado upang manatiling nasa kontensiyon at sa P10,000 cash na premyo sa Grand Finals ng 2003 Shell National Youth Active Chess Championship sa Social Security System Canteen, SSS Bldg, East Avenue, Quezon City.
Tinalo ng 10-anyos na si So si Cornel sa 53 moves ng Sicilian upang muling makabalik at makisosyo sa pangunguna sa taglay na 7.5 puntos patungo sa huling final na dalawang rounds ng 11-round Swiss System tournament na hatid ng McDonalds at Super Ferry.
Sa juniors side, hiniya ni Abraham Bayron ng San Sebastian College, finalist dito noong nakaraang taon si Michael Adarlo sa 34 moves ng Budapest opening upang angkinin ang pangunguna mula sa roommate at kapwa niya San Sebastian student na si Deniel Causo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended