Tuñacao,bagong WBC International superflyweight champion
September 28, 2003 | 12:00am
Binugbog ni dating World Boxing Council flyweight champion Mal-colm Tuñacao ang di-gaanong kilalang kalaban na si Ringo Jaguar ng Indonesia at masungkit ang WBC International superflyweight title na binakante ng kababayang dating world champion na si Gerry Peñalosa, sa Ynares Center, Antipolo, noong Biyernes ng gabi.
Isang akmang kaliwa ang ibinigay ni Tuñacao sa bibig ni Jaguar na naging dahilan para bumagsak ito sa lona bago tumunog ang bell na hudyat ng pagwawakas ng ikalimang round.
Ang nahihilo pang Indonesian na nagbigay din ng laban sa Pinoy dahil sa kanyang istilo, ay matagal na humiga sa lona sa harap ng Games and Amusement Board doctor na si Dr. Nasser Cruz.
Dahil sa panalo, ang 25 anyos na si Tuñacao, rated No. 4 ng WBC ay lumapit sa isang laban para sa world crown na hawak ng Japan-born North Korean Masamori Tokuyama, na dalawang beses na tumalo kay Peñalosa sa kontrobersiyal na desisyon.
Si Peñalosa ang kasalukuyang adviser ni Tuñacao, na may record na 15-1-2 na may 11 knockouts, habang walang solidong ebidensiya ang kanyang nakalabang Indon na natalo na rin sa laban niya kay Celso Danggod sa pamamagitan ng unanimous 10-round decision noong Mayo 13.
Ang bagong Pinoy champ, na namayani ng third round TKO kay Kazuyoshi Niki sa Kokura, Japan noong Nobyembre 18, 2002 ay tila kinakalawang pa makaraang ang sampung buwan na walang ensayo.
Ngunit naging agresibo mula sa opening bell at kinailangan lamang ng sapat na oras para pabagsakin si Jaguar, na isang madaliang kapalit para kay Indonesian champion Ali Rohmad.
Sa isang nakakagulat na laban, sinorpresa ng 19 anyos na si Arman De La Cruz ang beteranong si Ernesto Rubillar upang agawin dito ang WBC International minimumweight title.
Dalawang beses na pinatumba si Rubillar sa first round, at binawasan ng dalawang puntos dahil sa low blow at head butt na naging dahilan ng kanyang pagkatalo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am