Ang 63 na si Cabatu, isa sa mahusay dumepensa at may matatag na pulso ay inaasahang matatabunan ang dominasyon ng kanyang ama sa board na isang 6-foot-5 na manlalaro noong kanyang kapanahunan sa kaagahan ng dekada 80s. Ang matandang Cabatu ang siyang natatanging two-time MVP ng PABL na ngayon ay kilala sa pangalang PBL.
"Hes a good defender and he deserved to be the No. 1 pick. Overall, maganda ang resulta ng drafting natin, both in the Rookie and Dispersal," ani Commissioner Chino Trinidad.
Upang mahigitan ang kanilang masamang pagtatapos sa nakaraang kumperensiya kung saan tumapos sila ng ika-walong puwesto, sinungkit rin ng ICTSI si Tyrone Tang at Jose Redemptor Aquino na pawang taga-La Salle.
Bukod sa nabanggit, napisil rin ng ICTSI ang 6-foot-7 na si Ervin Sotto sa Dispersal Draft na nag-bigay sa koponan ng taas na kanilang kinakailangan upang makasabay sa iba pang teams.
Si Sotto ay huling lumaro sa nasibak na Nutri-Licious.
Napunta naman sa Pop Cola ang Fil-Australian na si Jason Grigg bilang No. 2 pick at ang third pick ay si UPs JayR Reyes (Welcoat), ikaapat si Kenneth Robin ng UP, sumunod si Nathaniel Cruz ng Mapua na napunta naman sa Montana, ikaanim si Arwind Santos ng FEU na napunta sa Viva Mineral Water at ang pang-pito ay si Christopher Intal.
Nais ding palakasin ng Paint Masters, ang defending champion ang kanilang line-up sa paghugot ng NCAA MVP na si Leo Najorda sa 2nd round at UEs Niño Canaleta sa 3rd round. Kinuha rin nila sina Christian Guevarra (4th round), Niño Mar-quez (5th) at Ricardo Ong (6th).
Sa kabuuan, mayroong lamang 53 mula sa 215 aspirante ang napu-suan ng mga koponan para kumampanya sa kanilang line-up.