Nakakatuwa rin para kay Louie Alas na mula nang mawala sa Talk N Text ay nag-akalang tapos na ang kanyang coaching career. Pero ngayong naka-isa na naman siya, mainit na naman si Louie.
At congratulations din kay Ronjay Enrile na noon pa man ay alam na naming siyang magiging MVP. Hindi man niya nakuha ang MVP title ng regular season, nakabawi naman siya dahil nakuha niya ang Finals MVP. A t para sa amin, mas mahalaga yang Finals MVP.
Congratulations na rin sa SSC Stags who all gave a wonderful finals match, pati na rin kay Coach Turing Valenzona.
Again, congratulations, Letran Knights!
At mabuhay ka, Ronjay Enrile!
Tinawag nila itong Fiesta Letranista.
Nagkaroon sila ng victory parade sa buong Intramuros, at pagkatapos ay nagkaroon ng isang thanksgiving mass.
Pagkatapos nun, may fireworks, bonfire, kainan, sayawan, tugtugan, at walang humpay na sigawan at hiyawan.
Masarap talagang mag-champion noh?
Matapos silang manalo ng tatlong sunod, hayan at nakaka-dalawang sunod na talo naman ang team na ito.
Baka nga naman, mangyari na naman ang nangyari nung minsan na nagpapanalo sa una pero sa bandang dulo eh nagtatalo naman.
Sana naman eh makabawi ang Ginebra agad.
Ang dami-daming tao sa Makati Coliseum nung isang gabi pero umuwi sila ng luhaan dahil sa tinambakan pa ang paborito nilang team.
Gising, Ginebra, gising!.
Salamat sa inyong walang sawang pagsuporta sa PSN.