Bong Hawkins babalik aksyon
September 24, 2003 | 12:00am
Tangka ng Coca-Cola Tigers ang kanilang ikalimang sunod na panalo upang panatilihing malinis ang kanilang record sa Samsung-PBA Reinforced Conference.
Sa kanilang layuning ito, isang pamilyar na mukha ang kanilang makakasama sa alas-7:00 ng gabing pakikipagharap sa Barangay Gi-nebra sa pagdako ng aksiyon sa Makati Coliseum.
Ito ay si Bong Hawkins na sa wakas ay makakapaglaro na rin matapos mawala sa sirkulasyon ng halos dalawang taon dahil sa contract dispute sa FedEx.
Pumirma si Hawkins ng isang taon at isang kumperensiyang kontrata na nagkakahalaga ng di bababa sa P150,000 at di tataas sa P200,000 kada-buwan na mapapaso sa 2004.
Bagamat di pa nagkakaroon ng settlement sa kanyang problema sa kontrata sa FedEx, pinayagan naman ito ng Express na maghanap ng ibang team.
Bumagsak sa ikalawang puwesto ng Group B ang Coca-Cola matapos ilista ng Talk N Text ang kanilang ikalimang sunod na panalo (5-1) ngunit kung magtatagumpay ang Tigers ay muli nilang mababawi ang group leadership.
Makakasamang muli ni Hawkins ang kanyang mga ka-teammate sa Alaska na sina Johnny Abarrientos, Jeffrey Cariaso at Poch Juinio at inaasahang magiging malaking tulong para kay import Tee McClary.
Hangad naman ng Ginebra na makabangon sa kanilang nakaraang pagkatalo kontra sa FedEx, 92-103 na pumutol sa kanilang three-game winning streak.
Naging malaking kawalan sa Ginebra ang di paglalaro ni Eric Menk na muling tinamaan ng calf muscle injury at kung di pa rin ito magaling, malaking responsibilidad ang nakaatang kay import Ricky Price.
Sa unang laro, magsasagupa naman ang Sta. Lucia Realty at FedEx Express sa alas-5:00 ng hapon kung saan hangad ng Realtors na mapatatag ang kanilang pamumuno sa Group A taglay ang 3-1 record. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended