Asi, malabo pang mapatapon palabas ng bansa
September 23, 2003 | 12:00am
Immigration and Deportation at ng Department of Justice (DOJ) ang Fil-Tongan na si Paul Asi Taulava at maipagpapatuloy na niya ang kanyang pag-lalaro sa Philippine Basketball Association (PBA) ng wala ng aalalahanin pa.
Itoy matapos na katigan ng Manila Regional Trial Court (RTC) ang inihain na petisyon ng kampo ni Taulava na humihiling suspindihin ang proseso ng deportasyon ng Fil-Am cager habang dinidinig ang kaso nito.
Base sa limang pahinang kautusan na ipinalabas ni RTC Branch 34 Judge Romulo Lopez, inatasan nito sina DOJ Secretary Simeon Datumanong, BI Commissioner Andrea Domingo at Atty. Roy Almoro, executive director ng BI na ihinto na ang paglilitis sa kaso ni Taulava dahil nakasampa na ito sa mataas na hukuman.
Matatandaan na naghain si Taulava ng Writ of preliminary injuction at temporary restraining order (TRO) kaugnay ng kanyang naunang deportation case na isinampa ni Domingo sa DOJ matapos ang isinagawang imbestigasyon ng Senado noong Agosto 7 ng taong kasalukuyan na walang dugong Pinoy ang nasabing cager at kanyang pineke ang mga dokumento na ibinigay nito para lamang mapatunayang siya ay may dugong Pinoy.
Nagpahayag din ng pangamba ang basketbolista na anumang oras ay maaari siyang ipatapon ng bansa oras na makansela ang kanyang certificate of recognition bilang Filipino citizen at Identification certificate no. 019150 ng BI.
At ang pangambang ito ang dahilan kung bakit, ninombrahan ng korte sina Datumanong, Domingo at Almoro na itigil muna ang deportation proceedings ng kaso ni Taulava, ngunit sa sandaling lumabas ang desisyon ng korte na hindi pabor sa cager, ito ay mag-babayad ng P1 milyon sa tatlong opisyal. (Ulat nina Gemma Amargo at Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended