^

PSN Palaro

Guevarra huking pag-asa ng RP

-
Umusad si Sean Guevarra sa finals ng men’s long jump upang bigyan ng karagdagang pag-asa ang mga Pinoy athletes para sa medalya sa pagtatapos ng kompetisyon ngayon ng Asian Athletics Championships sa Rizal Memorial track and field oval.

Tanging si Guevarra ang nagpamalas ng magandang performance sa mga athletes na sumabak kahapon nang lumundag ito ng 2.08 metro at ma-pabilang sa 12 atletang umusad sa finals.

Inaasahang madadagdagan ni Guevarra ang dalawang bronze ng bansa na inihatid nina long jumper Lerma Bulauitan at middle distance runner Eduardo Buenavista, sa kanyang pagsabak ngayong alas-3:00 ng hapon.

Bukod kay Guevarra, inaasahan ding makapagbibigay ng karagda-gang medalya si high jumper Jobert Delicano at ang dechatlete na si Fidel Gallenero.

Kasama si Delicano sa 12 na nag-qualify kamakalawa at mapapa-laban din ito ngayong alas-3:00 ng hapon.

Paglalabanan din ang javelin throw at 1,500m run sa pagtatapos ng decathlon event kung saan nakasalalay kay Gallenero ang pag-asa ng bansa.

Patuloy pa rin ang pananalasa ng powerhouse China sa pangunguna nina Han Yucheng na nagtala ng bagong 3As record sa men’s 20,000 kilometer walk at middle distance runner Sun Yingie na nagsubi ng kanyang ikalawang gintong medalya.

Tinapos ni Han ang karera sa loob lamang ng isang oras, 21-minuto at 11.3 segundo upang burahin ang walong taong record ng kanyang kababayang si Li Migoal na 1:23:58.80.

Pinangunahan ni Yingie ang women’s 5,000m run sa loob ng 15 minuto at 48.42 segundo upang makuha ang ikalawang gold matapos itong manguna sa 10,000m run noong opening day kung saan na-sweep ng China ang apat na events.

Ito ay karagdagan sa siyam na gintong produksiyon ng China matapos ang unang dalawang araw ng kompetisyon.

Samantala, sampung gold medal ang minamataan ni PATAFA president Go Teng Kok sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Vietnam sa Disyembre.

Dalawa rito ay tiniyak na nina long jumper Lerma Bulauitan-Gabito at middle distance runner Eduardo Buenavista matapos makapaghatid ng medalya para sa bansa.

ASIAN ATHLETICS CHAMPIONSHIPS

EDUARDO BUENAVISTA

FIDEL GALLENERO

GO TENG KOK

GUEVARRA

HAN YUCHENG

JOBERT DELICANO

LERMA BULAUITAN

LERMA BULAUITAN-GABITO

LI MIGOAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with