Ibinuhos ni Bulauitan-Gabito ang kanyang lakas sa kanyang ikaanim at huling talon upang ilista ang 6,50 metro at kunin ang third place.
Ang performance na ito ni Bulauitan-Gabito, tubong Cagayan Valley, ay ang kanyang bagong personal best matapos lagpasan ang 6.48m nito.
Si Anastasya Juravleva ng Uzbekistan ang nagbulsa ng gold para sa kanyang ikalawang medalya makaraang mag-silver sa triple jump sa kanyang 6.53m jump.
Ang silver ay napunta kay Liang Shuyan ng China na isang sentometro lamang ang diperensiya na kanyang nilundag kumpara sa talon ni Bulauitan-Gabito.
Muntik pang maungusan ng kanyang kasamahang si Maristella Torres, na nakapuwesto na sa third, bago naisagawa ni Bulauitan-Gabito ang kanyang medal clinching jump.
Parehong 6.34m ang best jump nina Torres at Bulauitan-Gabito at kung nabigo ang huli sa kan-yang ikaanim na talon, maaagaw ng una ang medalya.
Itoy dahil ang second best jump ni Torres ay 6.28m kumpara sa 6.22m lamang ni Bulauitan-Gabito.
Nag-ambag naman si Yiping Su ng isa pang ginto sa China na naka-sweep ng apat na events noong opening day sa kanyang panalo sa wo-mens 100m hurdles sa oras na 13.09.
Ang iba pang naka-gold ay sina Ali Izenkawi ng Kuwait sa mens hammer throw at O Yin Yin Khine ng Myanmar na nanguna naman sa womens 400m sa oras na 52.96 segundo.
Samantala, inihatid naman ni Jobert Delicano ang magandang balita nang pumasok ito sa long jump finals na nakatakda bukas. Pumuwesto sa ikapito si Delicano sa 23 pang kalahok sa tinalon na 7.56m ngunit kailangang ibuhos ng todo ang lakas kontra sa 12-man finals at makakuha ng kahit bronze medal.
Sa pang-umagang heats sa mens 400-m hurdles, nagtapos na pang 12th si Domingo Manata ng Pinas sa oras na 54.71seconds na malayo sa top qualifier na si Mobarak Sultan Al-Nobi ng Qatar.