^

PSN Palaro

Bulauitan-Gabito, bronze lang

-
Inihatid ni Lerma Bulauitan-Gabito ang unang medalya ng bansa nang kunin nito ang bronze medal sa women’s long jump sa ikalawang araw ng kompetisyon sa Asian Athletics Association (3As) Championships sa Rizal Memorial track and field oval.

Ibinuhos ni Bulauitan-Gabito ang kanyang lakas sa kanyang ikaanim at huling talon upang ilista ang 6,50 metro at kunin ang third place.

Ang performance na ito ni Bulauitan-Gabito, tubong Cagayan Valley, ay ang kanyang bagong personal best matapos lagpasan ang 6.48m nito.

Si Anastasya Juravleva ng Uzbekistan ang nagbulsa ng gold para sa kanyang ikalawang medalya makaraang mag-silver sa triple jump sa kanyang 6.53m jump.

Ang silver ay napunta kay Liang Shuyan ng China na isang sentometro lamang ang diperensiya na kanyang nilundag kumpara sa talon ni Bulauitan-Gabito.

Muntik pang maungusan ng kanyang kasamahang si Maristella Torres, na nakapuwesto na sa third, bago naisagawa ni Bulauitan-Gabito ang kanyang medal clinching jump.

Parehong 6.34m ang best jump nina Torres at Bulauitan-Gabito at kung nabigo ang huli sa kan-yang ikaanim na talon, maaagaw ng una ang medalya.

Ito’y dahil ang second best jump ni Torres ay 6.28m kumpara sa 6.22m lamang ni Bulauitan-Gabito.

Nag-ambag naman si Yiping Su ng isa pang ginto sa China na naka-sweep ng apat na events noong opening day sa kanyang panalo sa wo-men’s 100m hurdles sa oras na 13.09.

Ang iba pang naka-gold ay sina Ali Izenkawi ng Kuwait sa men’s hammer throw at O Yin Yin Khine ng Myanmar na nanguna naman sa women’s 400m sa oras na 52.96 segundo.

Samantala, inihatid naman ni Jobert Delicano ang magandang balita nang pumasok ito sa long jump finals na nakatakda bukas. Pumuwesto sa ikapito si Delicano sa 23 pang kalahok sa tinalon na 7.56m ngunit kailangang ibuhos ng todo ang lakas kontra sa 12-man finals at makakuha ng kahit bronze medal.

Sa pang-umagang heats sa men’s 400-m hurdles, nagtapos na pang 12th si Domingo Manata ng Pinas sa oras na 54.71seconds na malayo sa top qualifier na si Mobarak Sultan Al-Nobi ng Qatar.

ALI IZENKAWI

ASIAN ATHLETICS ASSOCIATION

BULAUITAN

BULAUITAN-GABITO

CAGAYAN VALLEY

DOMINGO MANATA

GABITO

JOBERT DELICANO

JUMP

KANYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with