Payla, Laguna kapwa bigo
September 21, 2003 | 12:00am
XINJIANG, China -- Sinalanta ng kamalasan ang kampanya ng RP Team Revicon dito noong Biyernes nang lumasap sina flyweight Violito Payla at featherweight Roel Laguna ng masaklap na pagkatalo sa 2003 Xinjiang International Boxing Championships dito.
Nakipagsabayan ang beteranong si Payla ng pagpapakawala ng mga solidong suntok at jabs kontra kay Guo Xianchuan ng China, subalit nabigo siya na mapahanga ang mga judges mula sa Pakistan, Korea at Kazakhstan at natamo ang 24-27 pagkatalo, habang kitang-kita na maliwanag na dominado ni Laguna ang tempo ng kanyang laban kontra naman Xie Gang ng China pero nagresulta pa rin ito ng 11-15 kabiguan ng Pinoy.
Ang nasabing kambal na pagkatalo ng Pinoy pugs ay ikinagalit ng mga coaches na sina Pat Gaspi at Ronald Chavez na umapela sa panel ng juries na kinabibilangan mismo ng Philippines na si Rene Fortaleza.
Ngunit walang nagawa si Fortaleza dahil nalamangan siya ng five-man jury.
Dahil sa kanilang pagkatalo, tanging dalawang Pinoy pugs na lamang ang nalalabi sina light fly-weight Lhyven Salazar na maaari sanang matalo sa puntosan sa kanyang laban kung hindi niya napigil ang kanyang quarterfinal round rival at bantamweight Ferdie Gamo at middleweight Maroon Golez na magpapakita ng aksiyon sa Sabado makaraang makakuha first round byes.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 2, 2024 - 12:00am