^

PSN Palaro

5th winning streak asam ng Phone Pals

-
Itutuloy ng Talk N Text ang kanilang pananalasa para hatakin ang ikalimang panalo at angkinin ang pinakamahabang winning streak sa kasalukuyang Samsung-PBA Reinforced Conference eliminations.

Makakasagupa ngayon ng Phone Pals ang Shell Velocity sa alas-4:00 ng hapon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Cuneta Astrodome.

Mabang mainit pa ang nakaraang 82-80 panalo kontra sa Purefoods sa pamamagitan ng buzzer-beating long jumper ni import Damien Cantrell, nais itong masundan agad ng Phone Pals para agawin sa Coca-Cola ang no. 1 spot sa Group A.

Ang nakaraang panalo ng Talk N Text ang pumantay ng winning run ng Coca-Cola na may malinis na 4-0 record na sinusundan ng 4-1 kartada ng Phone Pals.

Dahil walang laro ngayon ang Tigers, may pagkakataon ang Talk N Text na sungkitin ang pangunguna sa kanilang grupo.

Tulad ng Phone Pals, nanalo din ang kanilang ka-grupong Shell kama-kalawa laban sa FedEx, 91-88 sa pagbibida naman ni Tony dela Cruz na humakot ng 28-puntos para iangat ang Turbo Chargers sa 2-2 kartada.

Sa ikalawang laro, alas-6:30 ng gabi, magkakasubukan naman ang mga imports ng Alaska at Red Bull na naging instrumento para makabangon ang dalawang koponang ito sa sunud-sunod na kamalasan.

Sa pagdating ni Isaac Fontaine, natikman ng Aces ang unang panalo, kontra sa TJ Hotdogs, 97-91, matapos mabigo sa unang tatlong laro kasama si Chris Carrawell.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang San Miguel at Sta. Lucia sa kanilang out-of-town game sa Malolos, Bula-can.(Ulat ni Carmela V. Ochoa)

vuukle comment

CARMELA V

CHRIS CARRAWELL

COCA-COLA

CUNETA ASTRODOME

DAMIEN CANTRELL

GROUP A

ISAAC FONTAINE

PHONE PALS

RED BULL

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with