3 Pinay magpapakita sa 15th Asian Athletics Association
September 20, 2003 | 12:00am
Sisimulan ngayon ng tatlong Pinay tracksters ang kampanya ng bansa sa pagbubukas ng prestihiyosong 15th Asian Athletics Association (3As) championships sa makasaysayang Rizal Track Oval.
Agad mapapasabak sina Flordeliza Cachero, Mercedita Manipol at Christable Martes sa unang araw ng aksyon sa 4-day event na ito na lalahukan ng record na 41 mula sa 44 member countries ng 3As.
Ang tatlong Pinay ay sasalang sa womens 10,000-meter run kung saan mahigpit nilang makakalaban si Sun Yingie ng powerhouse China.
Si Yingie ang kasalukuyang may hawak ng Asian Games record na 30:28.26 na kanyang naitala sa Busan Asiad noong nakaraang taon kaya siya ang paborito sa event na ito.
May tatlo pang golds ang paglalabanan ngayong-- womens triple jump, womens shotput at sa mens discuss throw. Sa kabuuan, may 41 gold medals na paglalabanan sa event na ito.
Magkakaroon ng program para sa opening ceremonies kung saan si Tourism secretary Richard Gordon ang panauhing pandangal para kumatawan kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na di makaka-rating dahil sa kanyang maraming gawain.
Bukod kina Cachero, Manipol at Martes, ang iba pang pambato ng bansa sa event na ito ay sina Lerma-Bulauitan-Gabito na sasabak na-man sa womens long jump. (Ulat ni CVOchoa)<

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am