NCAA Basketball Tournament: SSC Stags humirit
September 20, 2003 | 12:00am
Muling ipinamalas ng San Sebastian College ang kanilang pormang pangkampeonato nang kanilang ipuwersa ang deciding Game Three matapos ang 85-77 panalo sa Game Two kagabi sa punumpunong Ri-zal Memorial Coliseum.
Naitabla ng Baste ang best-of-three championship series sa 1-1 kaya magiging winner-take all ang laban sa Miyerkules sa Rizal Coliseum sa alas-4:00 ng hapon.
Buhat sa 63-70 pagkakahuli sa kalagitnaan ng ikaapat na canto, humulagpos ang Stags upang kunin ang 82-73 bentahe patungo sa 33-segundo ng labanan. Tampok dito ang tres ni Baluyot na naglayo sa Stags sa 78-73 mula sa mapanganib na 73-75 at sinundan naman ito ni Victor Maneclang ng basket para sa mas maluwang na 80-73 bentahe.
Samantala, ginamit ng San Beda ang freethrows nina Arnold Paredes at Jay-R Taganas sa huling 13 segundo ng labanan upang igupo ang Mapua at makopo ang back-to-back title sa juniors divi-sion.
Nakaligtas ang Red Cubs sa panganib nang makatabla ang Red Robins sa 70-all matapos ang drive ni Juan Marco Tabaquero sa huling minuto ng labanan sa tulong nina Paredes at Taganas para maisubi ng San Beda ang kanilang ika-14th juniors basketball title. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)<

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended