Reyes, Bustamante nanatili sa kontensiyon
September 19, 2003 | 12:00am
Nanatili sa kontensiyon sina Efren Bata Reyes at Francisco Django Bustamante nang igupo nila ang kani-kanilang kalaban sa ikatlong round ng US Open 9-Ball Championships sa Cheasepeake Conference Center sa Cheasepeake, Virginia.
Si Reyes, na unang ginapi ang kababayang si Rodolfo Luat, 11-6 ay nanaig kay Buzzy Labriola, 11-4 upang umusad sa susunod na round at hara-pin naman si Donnie Mills kung saan ang tagumpay, na tutumbasan din ni Bustamante ay magtatakda sa dalawang pangunahing cue artists na bansa sa group honors sa torneong humatak ng 157 top players sa daigdig.
Si Bustamante, nangungu-na sa money winners sa tour na may naipon na $91,000 ay nakalusot kay Tony Watson, 11-9 sa second round at muling bumangon mula sa 5-6 deficit upang walisin ang sumunod na anim na racks tungo sa 11-6 tagumpay kay Jeff Pillon.
Ang malakas sa break na si Bustamante ay makikipagtagpo kay Santos Sambajon sa ikaapat na round at umasang makalusot at isaayos ang duelo sa dating world 9-ball champion.
Nagparamdam din ng kanilang presensiya sa ibang bracket ng two-division tournament sina Jose "Amang" Parica na ginapi si Paul Raval, 11-4, sa second round at dominahin si Steve Lipsky, 11-3, sa sumunod na yugto upang isaayos ang pakikipagtumbukan kay Mike Davis.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended