CSB belles nanalasa sa LG Table Tennis age-group netfest
September 19, 2003 | 12:00am
Tatlong mainstays ng College of St. Benilde ang umusad sa championship round ng first LG Table Tennis age-group invitational championships natapos na magposte ng magka-kaibang estilo ng tagumpay kahapon na kinabibilangan ng dalawa na maglalaban naman sa korona ng womens 25-under division sa Glorietta Activity Center sa Makati.
Bumangon mula sa unang set na pagkatalo ang kasalukuyang WNCAA champion na si Diane Valdez, isang computer application student sa CSB upang itakas ang 9-11, 11-8, 115 panalo kontra sa TATAP bet na si Jeryl Moreno sa iskor na 9-11, 11-8, 11-5, 9-11, 13-11 sa semifinal round ng 20-under division.
Haharapin ng 18-anyos na si Valdez ang isa pang TATAP bet na si Ayra Malabayabas sa isang championship matches na nakatakda ngayon na tatampukan ng celebrity tournament.
Isinaayos naman nina Avegael Nolasco at Kristine Mae Vosotros ang all-CSB final sa womens 25-under class kung saan sinibak ng huli si Loppta bet Marell Lagunday, 11-6, 11-9, 7-11, 11-6, bago walang hirap na lumakad ang una sa finals matapos ang walkover na panalo.
Ang iba pang umusad sa finals ay sina Isaias Seronio at Michael Dalumpines na nanaig kina Rogel Flores at Leonardo de Leon, ayon sa pagkakasunod upang iposte ang kanilang paghaharap sa 30-under diadem.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended