Karaniwan lamang ang produksiyon na ito para sa mga imports ngunit hindi sa sitwasyon ni Fontaine na ora-oradang ipinalit kay Chris Carrawell para makabangon ang sa tatlong sunod na kabiguan ang Aces.
"Im surpirse hes still standing," ani Alaska coach Tim Cone sa post game interview habang pinanonood ang kanyang bagong reinforcement sa tv monitor sa press room matapos itong mapiling Best Player of the Game.
"I picked him up at the airport at 3:00 pm. Talked to him about things and then I left him and picked him up again at 7:00am, brought him to the practice for about one and a half hour and then he had to go to have a picture for the Immigration," salaysay ni Cone.
"He just had a 20 minute rest. For him to have this kind of perfor-mance is unbelievable," dagdag pa ni Cone na matagal nang pinupuntirya si Fontaine ngunit hindi lamang magkaroon ng pagkakataon dahil natataon itong nagta-tryout sa NBA.
Kinumplementuhan naman ni John Arigo ang mahusay na performance ni Fontaine sa pagkamada ng apat na sunod na freethrows upang iligtas ang Aces sa banta ng Purefoods na makabawi sa 0-of-6 field goal shooting.
Buhat sa 92-84 bentahe ng Alaska, nakalapit ang Purefoods sa tulong ng tres nina Kerby Raymundo at Boyet Fernandez sa 7-1 run, 91-93, 24 segundo na lang ang nalalabi ngunit kapwa isinalpak ni Arigo ang dalawang freethrows upang idistansiya ang Alaska sa 95-91, 21 segundo na lang ang nasa orasan.
Nabigong maka-iskor ang Hotdogs sa kanilang krusiyal na posesyon nang pumaltos ang tres ni Raymundo at muling humugot ng foul si Arigo. (Ulat ni Carmela V.Ochoa)