^

PSN Palaro

Fontaine bumandera sa Alaska

-
Tumapos si Isaac Fontaine ng 38 puntos, 10 rebounds, tatlong assists at apat na steals para sa 97-9 panalo ng Alaska kontra sa Purefoods sa Samsung-PBA Reinforced Conference sa PhilSports Arena kagabi.

Karaniwan lamang ang produksiyon na ito para sa mga imports ngunit hindi sa sitwasyon ni Fontaine na ora-oradang ipinalit kay Chris Carrawell para makabangon ang sa tatlong sunod na kabiguan ang Aces.

"I’m surpirse he’s still standing," ani Alaska coach Tim Cone sa post game interview habang pinanonood ang kanyang bagong reinforcement sa tv monitor sa press room matapos itong mapiling Best Player of the Game.

"I picked him up at the airport at 3:00 pm. Talked to him about things and then I left him and picked him up again at 7:00am, brought him to the practice for about one and a half hour and then he had to go to have a picture for the Immigration," salaysay ni Cone.

"He just had a 20 minute rest. For him to have this kind of perfor-mance is unbelievable," dagdag pa ni Cone na matagal nang pinupuntirya si Fontaine ngunit hindi lamang magkaroon ng pagkakataon dahil natataon itong nagta-tryout sa NBA.

Kinumplementuhan naman ni John Arigo ang mahusay na performance ni Fontaine sa pagkamada ng apat na sunod na freethrows upang iligtas ang Aces sa banta ng Purefoods na makabawi sa 0-of-6 field goal shooting.

Buhat sa 92-84 bentahe ng Alaska, nakalapit ang Purefoods sa tulong ng tres nina Kerby Raymundo at Boyet Fernandez sa 7-1 run, 91-93, 24 segundo na lang ang nalalabi ngunit kapwa isinalpak ni Arigo ang dalawang freethrows upang idistansiya ang Alaska sa 95-91, 21 segundo na lang ang nasa orasan.

Nabigong maka-iskor ang Hotdogs sa kanilang krusiyal na posesyon nang pumaltos ang tres ni Raymundo at muling humugot ng foul si Arigo. (Ulat ni Carmela V.Ochoa)

ARIGO

BEST PLAYER OF THE GAME

BOYET FERNANDEZ

CARMELA V

CHRIS CARRAWELL

FONTAINE

ISAAC FONTAINE

JOHN ARIGO

KERBY RAYMUNDO

PUREFOODS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with