Ang double gold medal winner sa nakaraang Kuala Lumpur event, dalawang taon na ang nakakaraan na si Buenavista ay lumahok kamakailan sa World Championship sa Paris, France kung saan ang karagdagang karanasang nakuha ang siya niyang magagamit sa Vietnam SEAG.
Siya ay nagtala ng mabagal na oras na 14:12 segundo sa 5,000 meters kumpara sa kanyang RP mark na 13:58 na kanyang naiposte sa Busan Asian games noong nakaraang taon.
"Ang habol ko lang po ngayon eh makuha ang tatlong event sa Viet-nam," pahayag ng five-foot na tubong Sto. Niño, South Cotabato.
Sinabi ni asst. athletics coach Luisito Artiaga, na bumababa mula sa Baguio City training camp, na plano ng coaching staff sa pangunguna ni Isidro del Prado na isabak si Vertek sa 3,000m steeple-chase, 5,000m at 10,000-meters.
Ayon naman kay Buenavista, siya ay pamil-yar na sa nasabing tatlong disciplines.
Sa parte naman ng host PATAFA president at organizing committee chairman Go Teng Kok, na ibinigay na niya ang desisyon sa coaching staff upang madetermina ang kakayahan ni Buenavista. "I fully support my coaching staff and I know that Buenavista is capable of winning three golds in Vietnam. Wag lang magkakasabay ang event in one day, " paliwanag ni Go.
At sa 2006 Asian Games sa Doha, Qatar, sinang-ayunan naman ni Artiaga ang coaching staff sa kanilang pananaw na pagtuunan ng pansin ang mens marathon.
"Sanay naman talaga tumakbo si Vertek sa Milo marathon kaya, pagkatapos ng SEA Games, concentrate na siya sa full marathon."
"Kailangan ko lang po ang full support ng PSC tulad ng vitamins, equipment, uniform, yun lang po," anaman ni Buena-vista.
Lumahok rin si Gabito sa World Championships ngunit tanging sa century dash lamang siya sumali. At ang kanyang matinding pagtutuunan ng atensiyon ay ang mapaangat ang kanyang gold medal winning effort sa Manila Asian Grand Prix kung saan kanyang ginapi ang perrenial favorite Yelena Kochsheycva ng Kazakshtan sa kanyang personal best na 6.48 metro.